Trenta y Osto

53 7 2
                                    

Kiss



"You like the place?"

Huminga ako nang malalim bago tuluyang humarap sa kanya.

"Uh huh, bakit hindi ka magpatayo ng bahay dito? Bumuo ng pamilya?"

"Wala na..." he said.

Ngumiti s'ya sa kawalan bago ako binalingan. Pakiramdam ko tuloy ay biglang naging awkward ang paligid dahil sa naging sagot niya.

"Ah, s-sorry. Below the belt na ata ang tanong ko, nakalimutang kong hindi pala tayo friends, we'er here to work hindi para usisain ang buhay mo."

"No, it's okay. Iniwan n'ya ako dahil hindi ko maabot ang expectations n'ya."

A bitter-sweet smile form in his reddish lips.

Paanong expectation? Tingin ko ay okay naman s'ya. Mukhang desente at matalino kaya paanong hindi s'ya nakaabot sa expectations ng kung sino man babae ang tinutukoy niya.

"Hindi kami pwede. I loved her so much na handa akong gawin ang lahat ng gusto niya... masama man ito o maganda para sa ibang tao. I want her to be happy kahit ang kapalit noon ay ang kasiraan ko. Alam kong pwede ang gusto kong mangyari, pero ayaw nila."

Nagulat ako noong nagpatuloy pa rin s'ya sa pagkekwento. Siguro ay may bumabagabag din sakan'ya at ngayon ay nakahanap siya ng mapagsasabihan.

"Nila?" I asked, kunot ang noo sa kanyang sinabi.

Siguro ay ayaw sa kanya noong pamilya ng babae pero bakit naman? Wala talaga akong makitang mali kay Connor.

"We'er having a baby... I know deep inside me that baby is mine. They are mine. So, I'm going to do anything to have them both. Kahit pa anong kapalit."

My lips parted. Matagal akong nakatitigil sa kanya. Nakikita ko ang isang amang gagawin ang lahat para sa kanyang anak. I saw my papa, he loves me so much kahit na minsan ay nagkamali s'ya. I saw Aries in him, willing to give all of him just to keep me.

Dahil kay Connor mas naliwanagan ako sa kung anong nararamdam ng isang lalaking nag mamahal nang lubos.

Aries loves me so much that his is sacrificing all of his just to make me happy. I'm the top of his list. Bakit hindi ko naisip 'yon. Noong mga oras na durog na durog ako, anjan s'ya pinapasaya ako hindi ako sinusukuan. Kahit ilang beses ko s'yang saktan hindi niya ako iniiwanan. Palagi s'yang anjan kahit anong mangyari. He is the light on my darkest days, the shadow the stayed beside me willing for me to fall a sleep.

Ang araw pag tapos nang bagyo. Ang bahaghari pag katapos ng ulan. Hanggang ngayon, s'ya ang Aries ko. S'ya pa rin iyon at hindi nawala.

Ako ang nawala.

Ako ang hindi makauwi.

Ang kaylangan ko lang ay tumakbo pabalik sa kanyang. Ang hanapin s'ya. Balikan ang lahat ng walang takot sa aking dibdib, katulad noon kaylangan ko lang maniwala sa kanya.

"Tisha!"

Tawag sa akin ni Connor nang bigla ko s'yang talikuran para tumakbo. Umikot ako upang harapin s'ya.

"Magusap tayo sa susunod, may pupuntahan ako!"

Muli ay tumakbo ako upang makahanap ng masasakayan. Hindi ko na pinansin ang sinasabi ni Connor kaylangan ay makauwi na ako. Sabik na sabik na akong makauwi. Gustong gusto ko ng makabalik. Matagal na akong nawala at kaylangan ko ng umuwi.

Tumingil ako sa labas, sa tapat ng klasada kung saan may mga dumadaan na sasakyan. Bumabalik ang lahat sa akin. Kung paano kami noon dito sa Aguinaldo. Pinagmasdan kong maigi ang paligid, pakiramdam ko ay bumalik iyon sa dati kung saan ang buhay ay simple lang, kung saan ang mundo ay walang problema. Pakiramdam ko ay nakauwi na ako.

The first point of Aries (AGUINALDO SERIES #1) (PUBLISH UNDER B&B PUBLISHING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon