Tres

114 26 32
                                    

Bata... pa

Nakatingkayad ako habang pinagmamasdan ang munting inakay, nahulog sya mula sa puno at hindi pa sya marunong lumipad. Panay ang huni nito, tila bay kinukuha ang atensyon ng kanyang ina.

"Kawawa ka naman."

Ngumuso ako sa hindi malamang dahilan, gusto ko syang tulungan pero paano ko iyon gagawin?

"Tisha, anong ginagawa mo riyan?"

Napabaling ako sa pinangalingan ng boses. Ang gwapo ni Aries sa kanyang suot na P.E uniform. Hindi ko lubos maisip na pwede pa lang maging gantong kagwapo ang isang lalaki sa simpleng uniform lamang.

"Yung munting inakay, hmm... nahulog sya sa puno Aries, nagugutom na yata sya."

Paliwanag ko bago muling ibinaling ang tingin sa munting ibon. Patuloy ang pag huni at buka ng maliit nitong bibig.

"Kakain kaya sya ng tinapay? Meron akong dala rito," si Aries

"Siguro."

Agad kong tinanggap ang tinapay na inaalok nya at pumiraso ng konti roon. Agad na ibinuka ng munting ibon ang kanyang bibig upang masalo ang aking ibinigay.

"So, anong pangalan nya?" Nagulat ako ng biglang umupo sa tabi ko si Aries.

"Hmm... ano bang bagay?"

"Tayo," saad nya na naging dahilan ng bigla kong pagbaling sa kanya.

"Tayo? Hmm mejo... unique ang pangalan na iyon, ang galing mo Aries."

Muli ay binigyan ko ng piraso ng tinapay ang munting ibon na ang pangalan ay Tayo.

"Hi Tayo, iwan ka muna namin dito. Balikan kita mamaya, may gagawin ako."

Sabi ko habang pinapagpag ang aking dalawang kamay sabay tingin kay Aries na ngayon ay kinakamot ng marahan ang kanyang batok.

"Tayo na Aries," yaya ko sa kanya.

"Talaga?"

Nahimigan ko ang sigla sa kanyang boses.

"Oo, kaya halika na. Baka hinahanap na tayo nina Aria."

Wala kasi klase ngayon kaya naman nakapagliwaliw ako kahit paano. Hilig ko talaga ang mag masid sa paligid at tumulong sa mga hayop na nangangalingan. Feeling ko, magiging advocate ko ito pag laki ko.

"Hay naku Tisha," sabi nito bago nag bugtong hininga.

Ano bang problema ng isang iyon?

Ilang linggo na mula noong nagbalik eskwela kami, busy ang lahat para sa araw ng mga puso. Sempre may escort at muse pero hindi kami ni Aries kasali kasi panigurado na raw na mananalo kami sa contest. Well, ayos lang naman iyon samin. Mas okay kung manunuod nalang kami.

"For sure si Yna ang mananalo. Hindi naman hamak na mas maganda si Yna kaysa kay Claudia," panirinig ng ibang section sa amin habang papalapit kami sa covered court ng aming school.

Agad kong hinablot ang braso ni Aries, mabilis kasi syang mapikon sa mga ganung asal ng tao. Masyado kasing mabaet ang isang to. Sa kanila magkakapatid masasabi kong si Aries ang pinaka mabait ngunit sya rin ang pinaka madaling magalit. Hindi sya marunong komontrol ng kanyang emosyon. Kumpara kay kuya Primo, na iisa lang ang emosyon at mahirap basahin samantalang si Leo ay hindi hamak na palakaibigan kaya naman madali itong pakibagayan, sa kanilang tatlo si Leo ang pinaka madaliing lapitan.

Si Aries, kinulong na ata nya ang sarili sa'kin. Kaya hirap lumapit sa kanya ang ibang tao kahit palangiti at palakaibigan din naman sya.

"Tisha at Aries, saan ba kayo galing? Naku, kanina pa akong nang gigigil sa kabilang section. Mananalo lang daw si Claudia dahil mayayaman tayo," bakas sa mukha ni Aria na lubusan syang naiinis.

The first point of Aries (AGUINALDO SERIES #1) (PUBLISH UNDER B&B PUBLISHING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon