Bente

60 13 2
                                    

Good old day

"Ang daya mo! Bakit pag sinabi ko ba na uuwi kami rito, uuwi ka rin?"

Tanong 'ko kay Aria habang inaayos ang aking make up. Actually, light make up lang naman siya. Inayaya ako ni Cluadia sa Bristo sa bayan.

"Hindi... pwede naman kasing dito sa maynila magkita. Bakit kasi d'yan ka agad dumiretso sa Aguinaldo?"

Umirap siya sa kawalan. Abala siya sa kung ano habang kinakausap ako.

"Iyon kasi ang gusto ni mama. Ewan ko ba hindi 'ko rin feel umuwi rito. Na iirita ako sa pagmumuka ni Vieya."

"Akala ko ba, nagbago na ang kapatid mong 'yan?"

"Nagbago na nga s'ya. Pati ang mga kilos nya, actually lahat. Pero, ewan ko ba, inis pa rin ako sa kanya."

"Kay Vieya ba talaga? Baka naman..."

Pinanlakihan ko ng mata si Aria dahil sa gusto niyang sabihin.

"Oh please, Latisha. Don't me!"

Natawa kami pareho dahil sa kanyang sinabi. Malakas talaga ang impluwensya ng social media sa mga language ngayon lalo ng mga kabataan.

"Nakita... oh mali, dumaan s'ya rito noong isang araw."

"Really?" matinis na tili ang kanyang pinakawalan.

Madalas talaga kami mag video call ni Aria kahit noong nasa England pa ako. Nahilig kasi ako sa arts kaya naman doon ko pinurse ang passion ko. Doon na rin ipinanganak si Leandro.

"Magkwento ka dali! May balikan na bang mangyayari? Fuckshit!"

Umiling iling ako habang natatawa dahil sa reaksyon ng kaibigan.

"Wala Aria, sinubukan 'kong kausapin pero... No, 'yan ang tanging sagot sa akin," natatawa pa rin ako sa hindi malamang dahilan.

Ewan 'ko ba, siguro sa tuwing maiisipin 'ko iyon ay parang gumawa ako ng malaking kahibangan.

Nareject lang naman ako that time.

"Ang arte ni Aries ha! Parang wala akong alam noon," Komento niya. "Ay, kamusta naman? Mas naging pogi ba? 'yong mga muscle... you know."

May kasama pang hand gestures ang pag tatanong niya.

"Ewan ko sayo Tauaria Ceres. Try kaya natin pag usapan si ano?" panunukso ko sa kaniya.

"Aalis ka 'di ba? Bye!"

Aba! Pinagpatayaan ako.

Binigyan 'ko ng huling sulyap ang desktop bago ko dinampot ang sling bag na aking dadalhin. Pinagmasdan 'ko muna ang sarili sa salamin.

"Ang ganda mo, Tisha."

Natatawa kong puri sa sarili. Isang fitted na black dress at stilletous ang aking suot. Bar type na kasi 'yong bistro na alam ko ay pag mamaya ari nina Leo at Pio. Andoon rin ako last time dahil sa celebration ni Fabio.

Madalas kasi ay pag lumabas ako ay bibilhin lang o 'di kaya ay sa trucking ang aking punta. Isa rin iyon sa dahilan kung bakit bigla kaming umuwi, ako ang mamahal sa trucking.

"Good eve ma, alis lang po ako. Magkikita kami ni Claudia, kauuwi nya lang po kasi."

"Oh, really? Minsan ayayahan mo naman s'ya rito."

"Okay, I will mama," tugon ko sa aking ina. "Where's Lean?"

Palingan linga ako sa paligid. Pero hindi ko napapansin ang aking kapatid.

"Naku, he's so fond of our nieghbor. Do you her name, Sancha."

"Sancha is pretty, Sancha is smart. I like Sancha," pag gaya ko pa sa boses ng aking kapatid.

The first point of Aries (AGUINALDO SERIES #1) (PUBLISH UNDER B&B PUBLISHING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon