Dayami
Nag aagaw na ang dilim at liwanag habang sinusubukang ayusin ni Aries si Baltaraz. Masuri ko s'yang pinapanood mula sa sa aking kinatatauyan. Ang kanyang buhok ay lumagpas na sa kanyang tenga, palatandaan na bumabalik na ang daming haba nito. Nakasuot s'ya ng kulay abong short sleeve na polo pero bukas ang lahat ng botones noon na naging dahilan upang makita ang kanyang puting panloob, hindi ko mawari kung sando ba iyon o T-shirt?
Ngumuso ako habang pinagpapatansyahan ang kakisigan ng lalaking ngayon ay kasama ko. Hinawi ko ang mga takas na buhok na pilit na hinaharangan ang aking paningin. Noon pa may ganito ko tingnan ang batang Aries at hanggang ngayon ay ganoon pa rin pala, bumaling s'ya sa akin at unti-unting kumurba pataas ang kanyang mga labi, resulta ng pagsilay ng kanyang maputi at magandang mga ngipin, bahagya ring na naliit ang kanyang mga mata dahil sa ginawang pag ngiti. Pagtapos noon ay pinasadahn niya ng kanyang dila ang mga labi para mabasa ito ng bahagya bago marahan lumapit sa akin. Sa bawat hakbang ay bumibilis at lumalakas ang pintig ng puso ko, isang pamilyar na pang yayari sa pusong naiwala ko.
"Anong iniisip mo?" bungad niya ng tuluyan na s'yang makalapit.
Kanina kasi ay nakaupo kami sa damuhan at pilit na dinadama ang bawat isa ngunit biglang kinuha ni Baltaraz ang aming atensyon kaya binigyan niya ng atensyon ito. At ngayon ay bumabalik na naman s'ya sa akin.
"Wala naman, Aries... nasabi ko na ba sayo na mahal kita?"
"Oo dati noong highschool tayo. Ngayon kasi puro sorry nalang ang sinasabi mo."
Malakas na pag hampas ang iginawad ko sa kanya dahil sa sobrang pagkainis. Hindi ko alam kung gusto n'ya ba talaga sabihin iyon o niloloko n'ya lang ako. Alin man sa dalawa 'yon ay hindi ako natutuwa.
"Tss! Ewan ko sa iyo Le Bris!" I rolled my eyes.
Hindi ko talaga alam kung bakit ganto ang lalaking 'to. Palagi niya akong iniinis tapos ang galing din magpakilig. Hindi ako magugulat if one day, mabaliw na ako dahil hindi ko alam kung ano ang dapat maramdaman.
"Sino bang Le Bris ang tinutukoy mo?" he asked.
"Baka si kuya Primo o kaya si Leo," sarkastiko kong sagot.
"Akala ko kasi ang Le Bris na tinutukoy mo ay... ikaw."
Hay nakakabaliw na talaga ang isang 'to. Ngayon hindi ko alam kung kilig ba o inis o galit ang mararamdaman ko. Ramdam ko ang init na dahan-dahang umuusbong sa aking pisngi. Pakirandman ko ay kahit s'ya ay nakikita ang pamumula ng aking mga ito dahil hindi na rin maitangi ang ngiti sa kanyang mga labi.
"Pakasal na tayo?" tanong n'ya.
"A-ayoko nga! Habulin mo muna ako..."
"Para namang bata, Tisha."
"Oh edi sa iba ka magpakasal." sabi ko sabay takbo patalikod, tilay nanunuya ako na maghabol s'ya sa akin.
Gagawin ko ang lahat para makauwi. At kung kinakaylangan na maging bata kaming muli at gagawin ko. Itataya ko ang lahat maging katulad lang kami ng dati.
"Pag nahuli kita... yari ka sa akin!"
Sinubukan na niya akong habulin. Nagpaikot-ikot ako na parang isang ibong sa kapatagan naghahanap ng madadapuan. May mga sandali na humaharap ako sa direksyon ni Aries. Hindi ko mapigilan ang sarili na ngumiti sa tuwing sumasagi sa isip ko na nakabalik na kami. Andito na ulit kami sa mundong kaming dalawa lang ulit. Walang ibang makagulo at walang ibang pwedeng sumira.
Sana ay palaging ganito. Puno ng saya at walang pangamba ang bawat oras na walang ibang tunog ang iyong kagigiliwan kundi ang musika ng bawat halakhak namin ni Aries.
BINABASA MO ANG
The first point of Aries (AGUINALDO SERIES #1) (PUBLISH UNDER B&B PUBLISHING)
RomanceSi Ariestotle Clavio, ang pangalawang anak ng mga Le Bris. Ngunit, marami ang ilag rito dahil sa isang dalaga. Ikinulong ni Aries ang kanyang sarili sa batang si Tisha. Sa pag lipas ng panahon, ay mas lumalim pa ang kanyang pagkahulog. Paano kung m...