Ipagdamot
Ilang araw pa ang lumipas, nakauwi rin si mama noong hapon. Simula noon ay hindi na niya inimik si papa. Madalas ay gabi na umuwi si papa kung kaylan tulog na si mama. Hindi ko na rin naman magawang magtanong dahil iniisip 'ko ang kalagayan ni mama at ang sinabi ng doktor.
"Tisha," pukaw ni Aries sa aking atensyon.
Nakatulala na naman ako sa kawalan. Ilang araw na rin akong ganoon. Hindi ko maalis sa aking sarili na isipin kung ano ba talaga ang problema?
"Ah, b-bakit?"
"Okay ka la-"
"Aries!"
Sabay kaming lumingon sa pinangalingan ng boses.
Si Vieya ay naglalakad patungo sa aming kinaroroon. Bukod kina mama at papa, palaisipan rin siya sa akin. Mas matanda si Vieya sa amin ng ilang taon, halos kaedaran niya sina kuya Rico. Pero ang hindi ko maiwasang isipin ay kung bakit palagi siyang nakabuntot sa amin.
"Hi Tisha, good morning," bati niya sabay abot kay Aries ng isang envelop. "Love letter iyan, sobrang crush kasi kita. Okay lang naman siguro Tisha kung may humanga sa boyfriend mo 'di ba?" dirediretso niya iyong sinabi na walang kahit anong bahid ng pag aalinlangan.
"Oka-"
Magsasalita sana ako ng biglang tumayo si Aries. Umigting ang panga nito bago tuluyang harapin si Vieya. Tinanggap niya ang envelop at pinunit iyon.
"Where.Is.Your.Manner?"
"Aries?" sabi ko sabay hawak sa kanyang siko.
"Binabastos mo ang girlfriend 'ko sa aking harapan?! This is the last time, na magtitimpi ako. Baka makalimutan 'kong babae ka!" sambit niya bago ako tuluyang hinila.
Isang beses ko pang nilingon si Vieya, nakangiti ito na parang bang hindi nasaktan sa sinabi ni Aries.
Ano bang gusto n'ya?
Muli ay bumaling ako kay Aries, kagat kagat niya ang kanyang labi. Pinipigilan ang sobrang inis na nararamdaman.
Simula kasi noong dumating si Vieya ay palaging niyang ipinapakita sa akin ang pag kagusto niya kay Aries. Ilang beses 'ko na ring pinigilan si Aries at ang mga kaibigan ko para sugurin s'ya. Wala naman kasi siyang ginagawa na labag sa akin, hindi naman kasi talaga maiiwasang ang pag hanga kay Aries. Isa siyang Le Bris, hindi iyon maaring iwasan. Kahit sino ay gugustuhin na mapabilang sa kanila.
"Aries," sabi ko sabay hinto.
"Tisha, ano ba ha?!"
Hinaharap niya ako ng punong puno ng pag kadismaya, inis, galit na hindi ko mawari. Saan ba siya nagagalit.
"A-aries..."
"Kahit minsan naman ipagdamot mo ako! Kahit minsan naman iparamdam mo na ako'y iyo! Nakakasakit na Tisha! Noon, okay lang. Pero ngayon? Boyfriend mo na ako! Pero bakit laging okay lang sa iyo na may nagbibigay ng mga ganoon sa-"
Pumikit sya ng malalim. Pinisil niya ng dalawang daliri ang pagitan ng kanyang mga kilay bago tumingal sa kawalan.
"Ugh!"
Napalundag ako sa bigla niyang pag sigaw. Muli ay bumaling siya sa akin. Mamula mula ang kanyang mga mata.
"Ano mo ba ako?"
Ang kaninang nakasigaw at galit na boses ay malumanay nya ngayon. Puno na iyon ng lungkot.
"B-boyfriend kit-"
"Iyon naman pala!" Inihilamos niya ang kanyang pala sa kanyang mukha. "Bakit ka ganyan? Ipagdamot mo naman ako. Wag mo naman ako ipamigay na parang okay lang kahit sinong may gusto."
BINABASA MO ANG
The first point of Aries (AGUINALDO SERIES #1) (PUBLISH UNDER B&B PUBLISHING)
RomanceSi Ariestotle Clavio, ang pangalawang anak ng mga Le Bris. Ngunit, marami ang ilag rito dahil sa isang dalaga. Ikinulong ni Aries ang kanyang sarili sa batang si Tisha. Sa pag lipas ng panahon, ay mas lumalim pa ang kanyang pagkahulog. Paano kung m...