Prologue

1.2K 25 5
                                    

CALL

Star.

Star, come here.

Star...

Star...

Thank you, Star.

Naalimpungatan ako dahil sa boses na naririnig ko sa panaginip ko. Fuck. Ano ba naman to?! Ito na nga lang ang oras kong magpahinga hindi pa rin magawang tantanan ako ng putang inang boses na to!

"Bituin?"

Napatingin ako sa pintuan nang marinig ang bahagyang pagkatok nito kaya tamad akong pumunta roon para malaman kung sino yun. Ba yan. Oras ng lakwatsa kulang pa rin ako sa tulog. Asar.

"Chef! Tara na? Punta tayong Sierpes."

Masayang bati ni Aiyen, isa sa mga sous chef ng Costa Concordia. Tumango tango lang ako.

"Oo. Bihis lang ako."

Sambit ko at sinarado na muna ang pinto bago pumunta sa closet para maghalukay ng pwedeng maisusuot. Bahagya akong nagulat nang marinig ang biglang pagbagsak ng kung ano galing sa damit ko at napangiti ng mapakla nang malaman kung ano ito.

Seashell bracelet.

It's been years huh? Hindi ko pa rin magawang itapon ito. Ewan. Naging parte na ito ng buhay ko. Suot suot ko na 'to sa kung ano mang kahirapan at kasiyahang nararanasan ko noon. At hindi ko alam kung magagawa ko bang itapon ito.

Napayuko ako para kunin yun at dumeretso na sa banyo. While taking a shower, the memories in my past resurfaced as I remembered how young, naive, and stupid I was.

Well, love makes us people stupid. But without this stupidity I don't think I would even reach this point of my life. Being a chef in the ocean liner.

Nang matapos kong maghanda ay lumabas na ako ng kwarto at dumeretso na sa kwarto ng mga kasama ko at nakitang naghahanda pa lang sila. We're currently inside a hotel in Seville today dahil kakadaong lang ng barko kahapon.

Sa susunod na lunes pa ang balik nito sa Pilipinas kaya dito namin ulit pinagpatuloy ang trabaho. Travel chef kasi ako at sa ocean liner talaga ang trabaho ko. Though Philippines to Seville lang ang ruta ko ay hindi gusto ng management namin na magsayang kami ng oras kung nakadaong na ang barko kaya everytime na andito kaming Seville ay may trabaho kami sa isang restaurant ng Costa Concordia.

Vice versa lang pag andun na kami sa Pilipinas. Ewan ko nga kung paano ko nakayanan ang puyat eh sa araw araw ilang oras lang ang tulog ko.

Hindi pa nga sana ako tutuloy sa lakwatsa nila eh pero pinilit nila ako kaya wala na rin akong nagawa. Ayaw pa naman paawat ng mga sirauloong kaibigan ko. Dapat nga ay intindihin nila ako dahil ako ang head chef pero mga walang konsidirasyon ang mga hinayupak.

"Oh? Hindi pa kayo aalis? Sabihin niyo lang matutuwa talaga ako." Bagot kong sambit saka nagsimulang maglakad tungo sa couch para maupo.

"Eto naman talaga si bituin oh. Atat ka? Mukhang may i de date ah wala naman." Biro ni Estel habang nag me make up sa harap ng dresser kasama si Aiyen. I just rolled my eyes.

"Gaga ka ba? Kayo na nga itong pinapaboran ko ng oras ang bagal bagal niyo pa."

Nakita ko pa ang pagngisi ng dalawa dahilan para mas lalo akong naiinis.

Nang mapunta akong Costa Concordia para sa training sila yung unang nangahas na kaibiganin ako at since magkakilala naman na silang dalawa ay nagkaroon ako ng dalawang kaibigan habang nag e ensayo.

Magkasing ingay sila gaya ng mga barkada ko sa Pinas kaya magaan ang pakiramdam ko sa kanila though hindi talaga sila nagbibigay respeto sa akin kahit mataas ako sa kanila. Even at work. They sometimes only call me by my name na hinahayaan ko lang. Wala naman akong pakealam sa titulo ko. Kaibigan ko naman sila.

Call of The Sea (Spain: Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon