ICE CREAM
"Mauna na ako tay!"
Paalam ko kay tatay na tinanguan niya naman. Tahimik akong pumasok sa loob ng unibersidad at nang makitang wala roon ang mga kaibigan ko sa entrance ay dumeretso na lang ako ng mini park pero wala rin sila roon kaya baka nasa cafe na sila.
Matapos ng pag uusap namin ni Xaviar kahapon ay umalis ito ng tahimik. Hindi ko naman siya masisisi kung ayaw niya talaga sa akin no! Ayaw niya kasi nakaka asar ako tas maingay ako. Pake niya ba. Yun naman talaga ang ugali ko. Nakikipagkaibigan lang naman ako.
Tsaka kahit gwapo naman siya di ko magagawang sulutin siya sa girlfriend niya no. At wala naman akong balak agawin siya dahil nag aaral ako para sa pangarap ko hindi para sa kanya. Napairap ako sa kawalan dahil sa iniisip. Lintik na yan.
Nang makarating na sa cafe ay andun na ang dalawa kong kaibigan na abala sa pagsusulat ng kung ano sa kanilang mga binder.
"Bat ang busy naman ata?" Bungad ko nang makalapit.
"Assignment. Nalimutan ko kahapon." Sabi ni Clerry na hindi nakatingin sa akin. Naupo naman ako sa harap nila at mukhang hindi ata sila maabala dahil sa mga mukha nila.
"May panahon kayong mag lakwatsa sa bahay, pero assignment nalilimutan." Asar ko pero umismid lang silang dalawa.
At dahil sa hindi nga sila maabala ay inabala ko na lang ang sarili ko sa pag ce cellphone habang hinihintay ang unang period. While playing slither ay naramdaman ko na lang ang presensya ng mga lalake na papalapit sa direksyon namin kaya napatingin ako roon.
Oh. The four.
"Kanina pa kayo?" Tanong ni Liam.
"Kakarating ko lang, hindi ko alam sa dalawa." Sagot ko at agad naiwaksi ang tingin sa seryosong lalake sa likod.
"San nakatingin?" Agad na hinarang ni Ryle ang tingin ko pero umismid lang ako.
"Sa labas. Binabantayan ko lang yung pagdaan ng crush ko." Palusot ko at tumayo na para pumasok na sa klase.
Nakita ko pa ang pag ngisi ng dalawa kong kaibigan pero hinayaan ko na lang sila. Mamaya ko na lang aalipustahin ang araw ni Xaviar. Hindi ako sanay na may naiinis sa akin. As much as possible, gagawin ko siyang kaibigan.
"Mamaya na lang." Masayang paalam ko at umalis na sa harap ng mesa.
Nang makitang madadaanan ko na si Xaviar ay napangisi ako dahilan ng pag kunot ng noo niya. Mas masungit pa ata ito sa akin.
"Kita na lang tayo mamaya, Xav." Asar ko bago umalis.
Huh. Akala niya titigilan ko siya ah. Kahit maglupasay siya riyan hindi ko siya tatantanan. Alam kong normal lang naman talaga ang mairita pero ang mairita sa taong wala naman ginawang masama? Parang may mali naman kung ganun.
Tsaka ang bitter naman ata niya para ako lang ang kainisan eh kahapon niya nga lang ako nakilala. Ganun ba talaga ako ka ganda para mainis siya? I laughed at the thought. Maganda ah. Maganda itulak sa pader.
Nang makapasok na sa klase ay tutok na ako at mabilis lang namang natapos ang lahat ng subject sa pang agahan kaya dumeretso na ako sa cafe at nang makitang wala pa roon ang mga kaibigan ko ay dumeretso na lang ako sa court para doon ko tapusin ang babasahin kahit pa may mga naglalaro ng basketball doon.
Abala lang ako sa pagbabasa at natigil lang nang itulak ako ng kung sino dahilan para mabitawan ko ang libro at nalaglag iyon sa pang huling palapag ng steps sanhi ng pagkairita ko.
"What was that--"
Naantala ang isang sigaw ko nang makita si Xaviar na nagsisintas ng itim niyang sapatos sa gilid ko. I was confused kung sino ang tumulak sa akin eh siya lang naman ang nasa gilid ko? At bakit niya naman ako itutulak kung ganun? Ni wala nga siyang balak na pansinin ako.
BINABASA MO ANG
Call of The Sea (Spain: Series 2)
RomanceSPAIN SERIES TWO "Gagawin ko ang lahat para lang maabot ang natatangi kong pangarap para sa inyo nay, tay!" Star Renato, a jolly and loud girl was born less fortunate yet she has the beauty and the brain. Gusto niyang magtapos ng pag aaral para buma...