CAPTAIN
Tahimik akong nakahawak sa kamay ni Xaviar habang sinusuyod namin ang daan papuntang bridge. We lost power at hanggang ngayon ay wala pa ring ilaw kaya hindi na humuhupa ang kaba sa dibdib ko. Kung ano man iyon sana naman hindi malala. Madilim ang daanan namin pero salamat sa sinag ng buwan at mga bituin at kahit papaano ay may nakikita kami.
Kaninang kaguluhan ay medyo humupa na rin pero hindi pa rin maiwasan ng mga taong nadadaanan namin sa cabin kung ano ang nangyayare na sinasabihan naming kumalma lang muna. Gamit lang kasi namin ang hagdan just in case kaya nadadaanan namin ang mga cabin.
"Are you still alright, baby?" Tumango ako kahit hindi niya naman kita.
"Yes. Ikaw?" I asked ignoring how fast our pace is.
"I'm not fine." Amin nito. "But you're with me."
Hindi ko magawang ngumiti sa sinabi nito dahil nilulukob na ako ng matinding kaba. There are so much scenes lingering in my head at sana hindi iyon mangyare. Marahas akong napailing dahil sa mga iniisip. Of course hindi iyon mangyayare! Paano kung namali na naman pala ng pagpatay ng power? Just like what happened with Ryle. I convince myself hanggang sa marating na namin ang bridge.
"S-sir Alejes." Hindi ko man kita ang mukha ng deck officer ay alam kong kinakabahan ito.
"Let us through." Mariing utos ni Xaviar.
Ilang sandali pa ay bumukas nga ang bakal na pintuan ng bridge at agad na bumungad ang mga taong nagkakagulo sa loob. Kahit walang kuryente sa ibaba ay gumagana lahat ng andito sa bridge pero tanging emergency light lang ang gamit nila. Mas lalong kumabog ang dibdib ko at humigpit ang hawak ko kay Xav nang marinig ang usapan ng isang deck officer at sa radyo ng barko.
Good evening, CC El Tranquila do you have any problems on board?
"Yes, affirmative, we have a blackout on board, we are checking the situation."
Ramdam kong panay ang tingin sa akin ni Xaviar habang ang mga mata ko ay nakatingin lang sa mga tao roon na abala sa mga ginagawa na tila natataranta at natatakot. "What happened?"
Napatingin lang ako kay Xaviar nang magsalita ito at huminto kami sa harap ng control system kung saan abala ang isang deck officer sa pagpipindot ng kung ano. Gulat na napalingon ito sa gawi namin at hindi rin tumakas sa mata ko ang isang monitor sa likod niya. Radar siguro ang tawag doon dahil nakikita ang buong dagat na nakapalibot sa barko pero tanging asul at berde lang ang kulay roon.
There is a green spot na sumasalamin sa barko and the sea part is colored dark blue. May mga linya linya rin iyon doon na hindi ko maintindihan pero nahagip ng mga mata ko ang maliliit na green spots sa gilid lang mismo ng barko.
"W-we're still figuring things out, sir." Kinakabahan nitong sagot.
Hindi nagpatinag si Xav at lumapit ito sa control system habang hawak pa rin ang kamay ko. Hindi pa ito nakakapindot ng kung ano ay bigla na lang akong napatalon nang marinig ang kung anong alarm at ilang sandali pa ay narinig ko na lang ang boses ng isang babae na umalingawngaw sa buong bridge.
"Ladies and gentlemen, please let us calm ourselves and proceed to the assembly area. I repeat..." Patuloy lang ito sa pagtawag nang marinig ko na lang ang mariing boses ni Xaviar.
"You fucking hit a rock formation?" Kumalabog ng husto ang puso ko nang tinuro nito ang kaninang green spots na nakita ko sa radar.
"N-no, we're checking---" Hindi nito natuloy ang sasabihin dahil tumunog ang isang two-way radio na agad namang sinagot ng deck officer.
![](https://img.wattpad.com/cover/225373564-288-k705733.jpg)
BINABASA MO ANG
Call of The Sea (Spain: Series 2)
RomanceSPAIN SERIES TWO "Gagawin ko ang lahat para lang maabot ang natatangi kong pangarap para sa inyo nay, tay!" Star Renato, a jolly and loud girl was born less fortunate yet she has the beauty and the brain. Gusto niyang magtapos ng pag aaral para buma...