CHAPTER 36

429 12 1
                                    

PREY

"A-ano po?" Kinakabahang tanong ko nang hindi mag sink in sa akin ang unang sinabi nito.

Naging kuryuso naman ang mga mata ng ginang at kapagkuwan ay ngumiti rin. "Si sir Xaviar po. Nasabihan po raw kasi siya ni sir Ryle na sunduin ang anak." I almost drop my jaw because of that. What? Akala ko ba ako ang magsusundo?

"Ah sige po, salamat. Tatawagin ko lang ang siraulong ama ni Riley." She only gave out a hearty laugh before giving me my privacy.

Sumandal lang ako sa sasakyan at ang isang kamay at nasa baywang habang ang isa ay hawak sa tainga ang phone. After few rings ay sumagot naman agad si Ryle. "May sira ba yang tuktok mo ha?" Bungad ko agad. Nanahimik naman ito ng ilang saglit saka nagtatakang nagsalita.

Anong problema mo? Baka ikaw yung may sira? You just greeted me that way without even telling me what--

"Bakit andito si Xaviar? You told me na ako ang magsusundo turns out susundo rin si Xaviar? Ano yun? Ididikit ko ang dalawang sasakyan namin at sabay naming ihatid diyan sa bahay niyo?" Sarkastikong sambit ko.

Natahimik na naman ito ng ilang segundo bago bumunghalit ng tawa. I just rolled my eyes heavenwards then waited until he calms down.

"Oh?" Inip kong usal.

I'm sorry! Nalimutan kong nasabihan na pala kita kagabi. Tinawagan ko siya kanina dahil akala ko hindi kita natawagan! Ulilyanin na ako. Hehe.

Hindi tumakas sa pandinig ko ang ibang kahulugan sa tono nito kaya naningkit ang mga mata ko. Talaga lang ah. Iba kasi ang kademonyuhan na umiikot sa pag iisip ng isang 'to. Yung tipong nakatalikod ka pa lang may mantsa na sa likuran ng damit mo.

"Pag nalaman ko ang balak mo todas ka sakin." Mariin kong sabi na kanya namang tinawanan.

Wala ah! Dude, alam ko namang moved on ka na or at least...

"King ina mo!" Mura ko. "Pag talaga nagpakita ka sakin basag yang pogi mong mukha!"

He just laugh at that at kapagkuwan ay binaba niya na rin ang tawag dahil may meeting ito sa port leaving me there dumbfounded. Anak naman ng! Nagbihis pa talaga ako para ipasyal si Riley ah. Tsk. Inilagay ko na lang ang cellphone sa bulsa at nag angat ng tingin at sakto namang lumabas si Xaviar sa bahay habang buhat buhat ang bata.

Mula sa pagtingin sa bata ay nabaling ang tingin niya sa akin at kahit gulat sa mga mata ay hindi lumitaw sa kanya at tinaasan pa talaga ako ng isang kilay. "What brought you here?" Bungad nito ng makalapit sa akin.

Bahagyang umiwas naman ako ng tingin nang maalala ang nangyare kagabi saka tumikhim at umusog papalayo. Nakatingin lang ito sa ginawa ko at ilang sandali pa ay ngumisi ito na hinayaan ko naman.

"Gagong Ryle." I murmured dahil may bata.  

"Tita Star!" 

Bati sa akin ni Riley na nginitian ko naman. He spread his arms for me kaya lumapit ako sa kanya at marahang hinawakan ang ilalim ng maliit niyang mga braso at inangat ito. Dumpalis pa ang braso ni Xaviar sa ilalim ng dibdib ko kaya lumayo na ako.

"How was your play time big boy?" I greeted ignoring someone's presence. Ngumisi naman ito.

"It was fun! Chichi is fun to be with." He happily said na ngitian ko naman ng saglit.

"That's good." Napatingin ako sa likod at nakitang nakasandal na ito sa sasakyan ko habang ang mga mata'y nasakin. Umiwas na lang ako ng tingin. "You still want to got mall? Aren't you tired now?"

"I want to go! And I'm not tired tita." Napabuntong hininga na lang ako at tumango. So? Ibig sabihin isasama ko ang lalakeng yun?

Ang gago kasi ni Ryle. Hindi naman ako naniniwala sa rason niyang nakalimutan eh hindi yun madaling makalimot. Hindi naman kasi yun magiging kapitan ng barko kung ulilyanin. Hindi rin naman siya mangmang at talagang siraulo lang siya. Alam ko talagang may balak ang isang yun at siguro naman nagpapagulong na siya sa sahig dahil nangyare na nga ang gusto niya.

Call of The Sea (Spain: Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon