DIRT
Nakatulalang nilalabhan ko ang jacket ni Xaviar sa gilid ng porch kahit na gabi na. Gusto ko kasing ibalik ito bukas agad para mawala man lang ang kunting hiya ko. Ewan ko ba at kung bakit gumanda na ang pakikitungo nito sa akin kahit pa ayaw niya pa rin akong maging kaibigan. Nagamit ko na siguro ang charm ko kung bakit bumait siya ng kaunti.
Bigla na lang akong natawa ng mahina dahil sa naiisip. Jusmeyo naman. Anong charm? Ilang sandali pa ay naramdaman ko na lang ang wisik ng tubig sa mukha ko dahilan para tignan ko ng masama ang kapatid kong babae na nakangisi na ngayon.
"Nay si ate kinikilig!" Sumbong ni Sunny habang kumakaripas ng takbo.
"Siraulo!" Sigaw ko nang mawala na siya at pinagpatuloy na lang ang paglalaba.
Panira talaga ng moment ang babaitang yun. Saka hindi naman ako kinikilig nu. Iniisip ko lang ang kalokohan ko. Ilang saglit pa ay naramdaman ko na lang ang mga yapak ng tatlong taong papalapit sa akin galing bahay kaya napatingin ako roon. Napataas ako ng kilay nang mapagtanto kung sino ang mga yun.
"Nay, tay, kuya. Bakit?" Taka kong tanong pero nakangisi lang silang tatlo.
"Anak may boyfriend ka?" Nakangiting sambit ni mama dahilan ng pagtawa ko.
"Ma bawal akong mag boyfriend." Sambit ko at nagsimula ng banlawan ang jacket pero hindi nila ako tinantanan.
"Bakit naman bawal bunso? Pinagbawalan ka ni nanay?" Tanong naman ni kuya na nakatanggap pa ng batok kay nanay.
"Anong pinagbawalan?! Umayos ka riyan Claude at baka masapok kita ulit." Banta ni nanay na tinawanan lang ni tatay.
"Sarili ko ang nagbawal sa akin. Ayokong magka boyfriend pa nu." Sambit ko.
Hindi naman kasi ako pinagbabawalan ng mga magulang ko parte sa pag jo jowa pero kung mahihila ako ng temptasyon sa hindi nila pagbabawal ay baka makagawa pa ako ng ikadidismaya pa nila. Friends are okay, boyfriends aren't. Masaya na ako sa kung anong mayroon ako at hindi na ako maghahanap pa ng ibang kasiyahan sa isang lalakeng iiwan din naman ako sa huli.
Bitter yes.
Pero yun ang realidad.
Wow ang pro ko. Hindi pa naman nakaranas magjowa.
"Hindi mo ba gustong magka nobyo?" Si nanay ulit na inilingan ko lang.
Ano ba naman itong si nanay. Dapat nga ay masaya siya dahil hindi ko gustong pumasok sa mga relasyon na yan. Handa naman akong maghintay eh. Saka hindi pa naman dumadating ang taong mamahalin ko. Kahit pa mag senskwenta ako handa akong maghintay at sana hintayin niya rin ako dahil inaabot ko pa ang mga pangarap ko para sa pamilya ko.
"Nagdududa lang kasi ako at baka nobya pala ang gusto mo." Agaran na nanlaki ang mga mata kong tinignan si nanay.
"Ano ang gagawin niyo sa kama niyan? Mag so sorbetes? Anak--"
"Nay! Babaeng babae po ako! Sa lalake po ako naaattract ha? May mga lalake po akong crush! At saka anong sorbetes yang sinasabi mo? Anong kama? Jusko nay inosente po ako sa mga ganyan!"
Singhal ko na tinawanan lang nila at halos ibuhos ko na sa harapan nila ang pinaglabhan ko. Ano ba naman ito si nanay. Napagkamalan pa akong tomboy! Sa ganda kong ito magiging tomboy ako? Naku sayang naman kung ganun. Char. Joke na medyo totoo.
Ayoko lang naman na lumaki kang walang asawa, anak." Mahinahon na niyang sambit pero nakangisi pa rin ito.
"Malayo pa yun nay." Mahina kong sambit at kinuha na ang jacket bago tumayo. I smiled before giving them kisses in the cheek.
![](https://img.wattpad.com/cover/225373564-288-k705733.jpg)
BINABASA MO ANG
Call of The Sea (Spain: Series 2)
RomanceSPAIN SERIES TWO "Gagawin ko ang lahat para lang maabot ang natatangi kong pangarap para sa inyo nay, tay!" Star Renato, a jolly and loud girl was born less fortunate yet she has the beauty and the brain. Gusto niyang magtapos ng pag aaral para buma...