CHAPTER 10

316 14 0
                                    

FISHBALL

Gulat akong napatingin sa kanya dahil sa naging sagot nito pero nanatili kaming tahimik doon ay pinapkiramdaman ko naman ang mga galaw niya pero hindi ito gumalaw at nakatingin lang sa akin.

"We?" Hindi makapaniwalang bulalas ko pero umiling lang ito at tumayo.

"Kung ayaw mo, di wag." Saad nito at akmang aalis na pero nahawakan ko agad siya sa kamay.

"Gusto! Para kang timang? Syempre gusto! Nagulat lang ako." Nakangiti kong sambit. Hinila ko naman ito para magkaharap kami.

"Friends?" Tanong ko ulit habang nakalahad na ang kamay sa kanya.

"Friends."

Malamig nitong sagot at nakipagkamay sa akin dahilan para hindi na mawala ang ngiti ko. Hindi na matanggi ang kasiyahan sa akin dahil sa simpleng sagot nito. Siguro nga ay tinamaan na siya ng charm ko! Charots. Anyways siguro ay naririndi na rin ito sa akin kakakulit sa kanya ng tanong kaya niya siguro naisipang makipagkaibigan sa akin at siguro naman ay napamukha ko nga talaga sa kanya na yun lang naman ang habol ko.

Tahimik na binawi niya ang kamay ko at kinuha na rin ang kanyang bag habang ako ay nakangisi lang sa kanya. Tumingin ulit ito sa akin bago tumalikod na at lumabas ng bahay. Masaya ko namang hinatid ang mga kaibigan ko sa labasan kahit na gabi na. Nasa likuran ko lang ang mga kaibigan ko habang nasa harapan naman si Xav and as usual ang ingay nila except Helen and Nikos dahilan para lumingon ako sa kanila at agaran na hinila si Nikos.

Nagulat naman ito sa ginawa ko pero inakbayan ko siya kaya nahihila siya pababa.

"Ano probs niyo ni Helen?" Bulong ko na mas lalo niyang ikinagulat pero naka akbay pa rin ako sa kanya habang naglalakad.

"Uhm. Nakita niya kong may ka text na kakilalang babae." Nag aalangan niyang sambit kaya napitingin ako sa kanya at kumunot ang noo.

"Oh? Kakilala mo lang naman? Bakit ang distant ata ni Helen?" Taka kong tanong at napabuntong hininga na lang ito.

"Ex fling ko ang nag text then she saw the 'I love you' part though hindi ko naman talaga gustong makipag text sa kanya kaya nag text akong wag na akong i text." Mahina niyang bulong sa akin.

"Pinakita mo sa kanya ang dahilan?" Tanong ko pa pero umiling lang ito dahilan para mabatukan ko siya ng malakas.

"Aray!"

"Eh gago ka pala eh! Hindi mo man lang pinakit--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil tinakpan na niya ang bibig ko at ako naman ang inakbayan niya.

"Listen! Wag kang maingay. Ipapakita ko pa sana sa kanya pero tinapon na niya sa dagat ang cellphone ko." Mahina niyang bulong at nanlaki na lang ang mga mata ko. Tinapon sa dagat?! Iba naman talaga magselos si Helen!

"Hmpp." I tried saying something pero nakatakip pa rin ang kamay niya sa bibig ko kaya agad niya namang binawi ang kamay niya.

"Nakita mo phone mo?" Nag aalala kong tanong pero umiling lang ito at ngumiti ng maliit. Lumingon ulit ako sa likod at ang talim agad ng mga tingin ni Helen ang nakita ko pero ngumisi lang ako sa kanya at ibinalik ulit ang atensyon kay Nikos.

"Kausapin mo siya pag malamig na ang ulo niya."

Tanging nasabi ko na lang at sakto rin na nakarating na kami sa labasan. Nakangiti akong nagpaalam sa kanila habang nag thumbs up naman ako kay Helen na ginawaran niya lang ng thumbs down at pumasok na sa van nila. Kumaway lang ako hanggang sa mawala na ang mga sasakyan nila sa paningin ko kaya umuwi na rin ako.

Hindi pa rin maalis sa isip ko ang pakikipagkaibigan ni Xaviar kaya nakangiti akong umuwi at napawi lang ang ngiti ko nang makita ang babae kong kapatid na nakangisi habang nakasandal sa hamba ng pintuan. Tinaasan ko naman ito ng isang kilay bago lumagpas sa kanya.

Call of The Sea (Spain: Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon