CHAPTER 40

478 10 1
                                    

LUGAW

"Bakit wala ka sa cabin kagabi?" I asked Aiyen after taking my seat.

Kasalukuyang nasa restaurant kami para sa lunch and I was also curious kung bakit wala siya kagabi. Hindi naman sa ayaw ko diba? Kung andun siya hindi kami makakapag usap ni Xav and that thing. Kanina late rin ako pumasok sa trabaho dahil tinanghali ako ng gising! And thanks to him. Tsk.

Nagtatakang tinignan naman ako nito saka binaba ang hawak na cellphone. "I was at the party alam mo naman mga galaw ko diba."

Oh right. Doon na pala nagpapalipas ng oras ang mga kaibigan ko sa hall every time na may formal party. Probably drinking with some friends or naglalandi. Kung minsan ay sa suite na rin sila ng iba nilang kakilala natutulog kaya ganun. So does that also mean mapag iisa na naman ako sa cabin mamaya? I suddenly smiled because of the thought. Kung ganun, pupuntahan ba ako ni Xaviar doon?

Damn. Nababaliw na naman ako.

"What's with the smile?" Makahulugang tanong ni Estel.

"Nothing." I said casually. "Just happy to see you safe."

Both of them looked at me weirdly in unison as if I'd said the most absurd words my entire life. Hanggang sa dumating na ang pagkain na in-order ganun pa rin ang tingin nila kaya napa iling na lang ako. Hindi pa nila alam ang parte sa amin ni Xav. We have talked, right. I accepted his proposal but there isn't a ring yet.

Gusto kong magpalinawag muna sa kanila after anything else dahil ayokong magulat sila ng bongga but before that gusto ko ang pamilya ko muna ang unang makakaalam ng parte sa akin at sa marinong inaasar nila sa akin noon pa man. Sila naman ang pangunahing mga taong nagpagaan ng buhay ko after all those shits. At hindi ko masasabing hindi na iyon mauulit but who knows?

If I risk, if we risk we could probably get the prize more than we expected. Though I doubt getting his childhood friend's trust.

"Did we miss a thing?"

"Yeah, should we dive in to know?"

Natawa na lang ako sa mag tanong ng mga kaibigan ko. Alam kong kuryuso na sila sa mga oras na ito but I need to calm myself dahil hindi pa sigurado ang lahat. If I tell them about it and eventually being denied then that's humiliating. Mabuti na kung sila nanay na muna ang makakaalam. In fact sanay na sila sa mga ganun. Sanay na sila sa mga drama ko.

"Naglilihim ka ba?" Kuryusong tanong ni Aiyen na inilingan ko lang.

"Anong ililihim ko aber?" I asked back while raising a brow to make it more natural.

"You looked happy, that's unusual. I mean gusto naman namin na happy ka the only question is that, what's the main reason behind the glee?" Hindi ko na natigilang matawa dahil doon.

They are really desperate to know the truth behind my face but I wouldn't let them. Hindi naman sa ayaw kong malaman nila, gusto ko munang sabihin ito sa pamilya ko bago sa kanila and besides hindi ko pa natatanong si Xav if ikakalat na namin and relasyong mayroon kami or not. Relasyon namin... Fuck. Ano nga ba ang relasyon namin?

Nagkagulo na naman ang loob ko dahil sa iniisip.

"Maganda lang gising ko." Sagot ko dahil totoo naman. Nagising ba naman kasi akong kinakantahan ng ugok na yun.

"Welp." Hindi naniniwalang sambit ni Estel saka tinignan si Aiyen ng makahulugan. "Sana yun lang 'no?"

Natatawang inilingan ko na lang sila saka pinagpatuloy ang pagkain. Pagkatapos ng lunch ay nagpasaya kaming magkakaibigan na bumalik sa cabin para magbihis na ng damit. Naka uniform pa rin kasi kami dahil dumeretso na kami sa restaurant pagkatapos ng shift at isa pa magkikita kami ni Xaviar sa lounger deck sa taas para makapagrelax.

Call of The Sea (Spain: Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon