CHAPTER 32

374 8 1
                                    

PROFILE

Nakatingin lang ako sa madilim na langit habang hinihintay ang pagtaas ng haring araw. Kasalukyan akong nasa lounger deck dahil nagising ako ng madaling araw at pilitin ko mang matulog sa huling pagkakataon ay hindi ko na nagawa dahil nawala na ng tuluyan ang antok sa sarili ko. This is the last day of our sail at naghihintay na lang ang mga pasaherong dumaong ang barko sa lugar ng Sevilla.

Nothing really happened in the past three days of my work here on board. Hindi rin masyadong nagdikit pansamantala ang mga landas namin ni Xaviar di gaya ng mga nakaraang araw. It's also the reason why I have succeed to do my job properly though sometimes I can feel a stare from a specific area but I refused looking so.

Ilang sandali pa ay nakita ko na ang dahan dahang pag angat ng araw. The dark horizon became bright once again na tila oras na para magising ang lahat, tila nagpapahiwatig na sa isang saglit makita nila ang ganda ng araw na dahang dahang umaangat sa himpapawid. 

I feel bad to those people who failed seeing the beauty of the sun it produces every time it moves up above. I feel bad to those kids who failed to see the truest gold existing on earth, failed to see how the sun kisses the morning clouds. Kasi kung ako ang tatanungin? I would always wake up early to catch up the sunrise.    

Yung tipong nakatingin ka lang doon pero ramdam mo ang bagong pag asang bigay nito. Yung tipong nagpapasalamat ka sa bagong umagang pa ulit ulit mong nakikita. Somehow, it calms the storm in me, somehow it eases the pain that was hiding in the depths of me, and somehow it gives me new hope for a brand new day. Pag asang magpatuloy sa buhay kahit minsan nawawala na sa isip ko ang mamuhay ng normal.

He became the other half of me that kept me up in the past, he became the sea I was willing to dive in just to experience what a precise living means but when our paths moved on a separate way all the warmth, the brilliant feelings, the excitement faded away. Patay na ang kalahati ko kaya yun din siguro ang isa sa mga dahilan kung bakit nag iba ang mga gawi ko.

Kung bakit nag iba ang tono ko, nag iba ang mga tingin ko. Takot na akong magmahal ng isang taong may mahal nang iba. Takot na akong makipagsalamuha sa lalakeng alam kong bawal makuha. Some guys weren't able to hit me romantically because of my formalities at sadya ko iyon. Pakiramdam ko kasi na kahit gusto ko nang mag ka anak, hindi pa talaga ito ang tamang panahon para doon.

Parang naghihintay pa ang puso ko. Naghihintay sa tamang taong dapat niyang mahalin. Salamat na lang sa tawag ng dagat, salamat sa pamilya ko at salamat sa mga kaibigan kong hindi ako nagawang iwan kahit pa hindi na kami masyadong nagkikita dahil sa mga sari-sariling trabaho. At higit sa lahat, salamat sa gintong sinag ng araw na nagbibigay ng lakas sa akin sa araw araw.

For the last time around, napangiti ako nang tumama ang sinag ng araw sa mukha ko.

"Thank you." I whispered to nowhere.

Bahagya akong tumayo na saka sinuyod ang daan papuntang crew cabin. Nang marating ang cabin ay tulog pa ang cabinmate ko na hinayaan ko naman saka nag ayos ng mga gamit. Tapos na akong maligo at nakabihis na rin ako kaya hindi na ako natagalan doon. Nang magising ang cabinmate ko ay nag paalam na rin ako sa kanya.

"I'll just see you around." Nakangiting sabi ko habang hawak ang bag at maleta.

"Yeah, see you." Paalam niya.

At umalis na nga ako roon at dumeretso na ng open deck para doon maghintay ng pagdaong. Nakita ko agad ang mga kaibigan ko roon na masayang nakikipag usap sa ibang mga kakilala. Tahimik akong tumabi kay Estel habang ang iba naman ay tumayo para galangin ang pagdating ko. I just waved my hand politely.

"No it's fine. I'm off duty." Simpleng sabi ko.

"Friend!"

"Good morning, chef Star!"

Call of The Sea (Spain: Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon