ROSE
"Mauna na ako nay." I said while waving my right hand. "Babalik ako."
Nakangiting sabi ko na nginitian nila nanay at mga kapatid ko. Why would I say goodbye if I'll still come back? Nagdadalawang isip pa nga ako kung mag bo-book ako ng ticket kagabi pero naisip ko rin ang mga delays ng trabaho ko kaya nag book na rin ako kahit pa labag sa kalooban ko.
Hindi sapat ang isang araw ko rito pero wala naman akong magagawa dahil inaproba ko naman ang alok ng Don kaya hindi na rin ako aatras pa Iniisip ko na lang ang perang matatanggap ko sa trabaho at ang perang maitutulong ko sa mga kapatid at mga magulang ko. Nakatanggap rin kasi ako ng email galing sa hotel na may meeting ako bukas sa kanila kaya kinailangan ko talagang bumalik ng agaran doon.
"Tara na anak." Aya sa akin ni tatay. Sa huling pagkakataon ay ngumiti ako sa pamilya ko at tumalikod na nga dala dala ang maleta.
Mahirap pala malayo sa kanila. Pero hindi ko namang magawang talikuran ang trabaho ko, ang dagat. Nang marating ang garahe ni tito ay nakuha naman ni tatay ang Montero ni kuya at yun nga ang ginamit niya para ihatid ako sa airport. Abala lang ako sa pag re-reply sa mga emails hanggang sa marating na namin ang airport.
Niyakap ko muna ng mahigpit si tatay saka bumaba ng sasakyan. Tinanaw ko muna ang sasakyan hanggang sa tuluyan na nga itong mawala sa paningin ko. I prayed solemnly to keep my tatay safe before entering the airport.
Hindi ko alam kung paanong nanatiling mulat lang ang mga mata ko nang makarating sa Manila pero nang marating ko ang condo ay tinamaan agad ako ng antok kaya imbes na kumain ay umidlip muna ako dahil ramdam ko ang hilo sa paningin ko.
Pagkagising ay wala akong ibang ginawa kundi ang kumain at mag reply sa mga emails. It was just a normal day for me not until another day came. I was notified that the meeting is in the morning the reason why I'd prepare myself early. I just wore a blush sheath dress with my Chanel belt paired with my silver pumps.
Nag light make up lang ako para maging natural lang saka ko kinuha ang purse ko at umalis na ng unit. I have to dress nicely because of my job. Ayoko namang magmukhang tanga roon especially sa Hotel na ako pupunta. After alarming my car ay pumasok na rin ako roon at tumulak na papuntang hotel.
Ma traffic na sa labas kahit maaga pa kaya inabot pa ata ako ng isang oras bago nakarating ng hotel. Mabuti na lang at hindi pa ako late and in fact ako pa lang ang nauna sa conference room. Inilibot ko na lang ang tingin sa loob hanggang sa nadako ang tingin ko sa malaking glass window at kita agad roon ang mga buildings sa labas.
I've had my visit here before dahil ilang beses na rin naman akong naging chef sa mga events at dito ang venue. Sa restaurant lang naman kasi ang trabaho ko. Actually noon nagugulahan pa ako kung bakit ang dami naman atang branches ng CC pero nang ma orient ako ay hindi na rin ako nagtaka pa.
Costa Concordia was supposedly a port only but dahil na rin sa lakad ng panahon ay nagkaroon ito ng restaurant and hotel branches which is very on a luxury level and mind you, ang daming dumadayo kaya nakilala ito ng mga mutli-billionaires and eventually nasungkit nito ang trono as the Prominent and Most Luxurious Company Worldwide.
At swerte ako dahil nakapasok ako.
"Good morning." I greeted when someone entered the room.
Saglit itong napatingin sa akin at nakita ko agad ang iritang dumaan sa mga mata niya. "Good morning." He still greeted back.
Umupo ito malayo sa side ko kaya napaayos na ako ng upo. Hindi maawat ang tibok ng puso ko habang ramdam ko ang nakakabinging katahimikan roon. I want to leave the room pero hindi ko magawa dahil natulos na ako sa kinauupuan ko. Damn. Hindi ko alam na kasama pala siya sa meeting.
![](https://img.wattpad.com/cover/225373564-288-k705733.jpg)
BINABASA MO ANG
Call of The Sea (Spain: Series 2)
RomanceSPAIN SERIES TWO "Gagawin ko ang lahat para lang maabot ang natatangi kong pangarap para sa inyo nay, tay!" Star Renato, a jolly and loud girl was born less fortunate yet she has the beauty and the brain. Gusto niyang magtapos ng pag aaral para buma...