THOR
"Rise and shine, senyorita! Gising na! Umuulan na ng kwarta sa labas oh!"
Naalimpungatan ako ng tulog nang marinig ko ang malakas na sigaw ni mama habang hinahawi ang mga kurtina ng bintana ko. Kamot ang batok na bumangon ako at humikab. Haay! Kapagod buhay estudyante! Sarap na lang talaga tumalon sa time machine para tumanda na agad ako.
"Oh? Mangingisda ang tatay mo sasama ka ba?" Tanong nito nang makitang nakabangon na ako.
"Sige nay! Wala naman akong gagawin ngayong sabado." Maligaya kong sambit dahilan para lumapit ito at ngumiti.
"Mag aral ka ng mabuti ah? Para may katuwang kami ng tatay at kuya."
Nakangiti nitong sambit habang hinahaplos ang buhok ko. Ngumiti ako pabalik sa kanya at tumango tango. Ako ang pangalawa sa aming apat na magkakapatid. Isa rin ako sa mga scholar ng mayor na pinalad pumasok sa John B. Lacson Colleges Foundation isa sa mga sikat na maritime college dito sa Bacolod.
Nag aral ang kuya ko roon pero sa kasamaang palad ay nagkasakit ang tatay dahilan para matigil siya sa pag aaral at naging construction worker ito para makatulong kay nanay. Minsan niya nga akong binibigyan ng pambaon pati na rin ang dalawa naming kapatid kaya nagpupursigi ako para makabawi sa kanila.
Lumabas na si mama para makapaglako na ng lugaw na tinitinda niya. Naligo muna ako bago nagbihis at lumabas na ng kwarto. Nakatira kami malapit sa dagat na kilala sa tawag na reclamation dahil mula dito papuntang isang kanto roon sa malayo ay sakop ng dagat noon na tinambakan ng semento para lumaki ang daan.
Nang makababa ay nakita ko agad ang grade 6 kong kapatid na si Lunario at 3rd year high school kong kapatid na si Sunny na abala lang sa paghahabulan sa sala na ikinailing ko.
"Hoy! Baka may mabasag kayo diyan ayokong matalakan ni nanay!"
Sigaw ko sa kanila pero hindi naman sila nakinig kaya pinagbabato ko na sila ng mga throw pillow kaya natigil din sila kalaunan at hingal pang humarap sa akin. Tinaasan ko sila ng isang kilay at nakitang tinuro ni Sunny si Lunario habang hinihingal.
"Ate kasi eh! Si Airo nandudura!" Reklamo ni Sunny kaya tignignan ko ng matalim si Lunario.
"Kaw na bata ka! Ang laki laki mo na nandudura ka pa. Perfume yang laway mo ha? Aba naman ke aga aga. Magsiligo na nga kayo! Nangangamoy isda na kayo oh!"
Sambit ko at mahinang pinitik ang noo ni Airo saka lumabas na ng bahay. Wala na talagang ginawang maganda ang mga yun araw araw. Palagi na lang nagbabangayan.
"Magandang umaga Star!"
"Maganda ka pa sa umaga Star!"
"Agahan tayo oh!"
Ngumiti at bumabati lang ako pabalik sa mga taong nakakasalubong ko. Mga kaibigan ko naman na ang mga kapitbahay namin. Minsan pa nga nila akong pinapapasok sa bahay nila para lang sabayan sila sa pagkain. Ang iba rin kasi sa kanila ay mga kaibigan ng pamilya ko. May mga inggetera rin, pero pake ko ba sa kanila. Maganda naman ako. Ehem.
Nang mapunta na sa gilid ng dagat ay nakita ko agad si tatay na naghahanda na ng kanyang lambat. Nakangiti akong lumapit roon at binati muna ang mga kasamahan niya bago dumeretso kay tatay.
"Tay! Sama po ako!" Bati ko at napaangat na rin ito ng tingin at ngumiti nang makita ako.
"Wala kang gagawin ngayon anak? Paano ang mga kaibigan mo? Hindi ba sila pupunta rito?"
Pagpapaulan nito ng tanong nang makalapit na ako sa kanya. Umiling lang ako at tinulungan ko na siyang ayusin ang mga gamit at lambat niya.
"Wala pa sa ngayon tay, at tsaka nasa bahay naman sila Sun at Airo kaya okay lang kung dumating ang mga kaibigan ko."
![](https://img.wattpad.com/cover/225373564-288-k705733.jpg)
BINABASA MO ANG
Call of The Sea (Spain: Series 2)
RomanceSPAIN SERIES TWO "Gagawin ko ang lahat para lang maabot ang natatangi kong pangarap para sa inyo nay, tay!" Star Renato, a jolly and loud girl was born less fortunate yet she has the beauty and the brain. Gusto niyang magtapos ng pag aaral para buma...