CHAPTER 07

292 10 9
                                    

CODE RED

Kinabukasan ay maaga akong nagising para samahan si tatay sa kanyang pangingisda. Sinuot ko lang ang dilaw kong bestida at nagpaalam muna bago lumabas. Ngumingiti lang ako sa mga bumabati sa akin hanggang sa makarating na ako ng tabing dagat at nakita ko agad si tatay na nag aayos na ng lambat.

"Tay!" Tawag ko dahilan para mapatingin sa akin ang ibang mangingisda.

"Magandang umaga, Star!" Bati nila.

"Maganda umaga din po sa inyo!" Nakangiti kong bati at dumeretso na kay tatay.

"Mabuti naman at hindi na nag renta ang mga kaibigan mo anak." Tawa nitong bungad ng makalapit ako sa kanya.

"Naku tay, pagpasensyahan mo na ang mga yun. May mga saltik lang talaga sa utak yung mga yun." Biro ko at umangat na sa bangka.

"Hindi naman sila maarte." Dugtong pa ni tatay na ikinangiti ko.

Tama naman siya at hindi nga sila maaarte. Sa lahat siguro ng mga mayayaman na nakilala ko sa JB ay sila lang ang iba sa lahat. Wala silang keme sa sarili, go lang ng go. Kaya nga siguro nagkasundo kami agad unang kita pa lang namin dahil kahit mayayaman sila kita nila ang kahirapan ng ibang tao at imbes na tratuhin akong iba ay kinaibigan pa nila ako.High school pa lang sila ay magkakakilala na sila kaya hindi na ako nahirapang kaibiganin silang tatlo.

Nang makarating kami na gitna ay nagsimula na si tatay sa pangingisda habang ako naman ay nakatnaw lang sa malaking cargo ship. It put a small smile on my lips as I stared at it. How does it felt like to ride a huge ship? Hindi ko kasi alam dahil sa maliit na bangka lang ako nakaksakay at hindi naman ako naglalakwatsa para sumakay ng malaking barko.

It is also the main reason kung bakit gusto kong sumampa sa barko in the near future. I want to feel the ocean wholly and more. At alam kong mamahalin ko ng husto ang trabaho it's because masaya ako sa dagat if ever na matrabaho na ako sa barko. Kahit pa nagdadalawang isip ang mga magulang ko ay alam kong sinusuportahan nila ako sa abot ng makakaya nila.

"Tay, bakit ayaw mong malayo sa karagatan?" Biglang tanong ko habang nakatanaw pa rin sa barko. Ramdam ko rin ang pagtingin nito sa akin.

"Buhay ko na ito noon pa anak. Ayaw kong malayo sa dagat dahil iiwan ko pati ang kalahating buhay ko kung mangyare man iyon. At isa pa dito sa karagatan ka namin ginawa ng nanay mo gamit itong bangka." Kaagad kong ibinato ang face towel sa kanya na tinawanan niya lang.

"Ano ba naman yan tay! Okay na sana eh dinagdagan niyo pa!" Asar kong sambit habang nakahalukipkip. Kahit kailan talaga itong si tatay oh.

Hindi pa rin maawat ang mga tawa niya na hinahayaan ko na lang. Ilang beses ko na itong narinig pero piling ko ang mali pag naririnig ko palagi. What if kung gayahin ko rin sila at sa bangka nga gawin ang unang anak ko? Dahil sa naisip ay marahas akong umiling. Hindi pa nga ata kami nagsisimula sa main part ng mapapangasawa ko ay baka taob na ang bangka kung ganun.

Nang matapos ng pangingisda ay dumeretso na si tatay sa central habang ako naman ay dumeretso na sa bahay at agarang pumasok sa kwarto ko. Hawak ang cellphone ay pumunta ako ng balkonahe ng silid ko at doon umupo. Gawa lang sa kahoy ang balcony habang may duyan naman na gawa sa net ni tatay. Sa lahat siguro ng kwarto dito ay sa akin lang ang may balkonahe.

Hindi naman nagreklamo ang mga kapatid ko dahil hindi naman nila bet ang pagkakaroon ng balkonahe sa kwarto nila kaya cool lang kami sa isa't isa dahil wala namang favoritism ang mga magulang namin. Nag tipa agad ako sa cellphone para e dm si Clerry.

bituinrenato:

Hindi kayo pupunta rito?

Nagreply naman agad ito.

Call of The Sea (Spain: Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon