LOVE
Pinapakiramdaman ko lang ang hininga ko at ang puso kong halos lumabas na sa dibdib ko dahil sa lakas ng kabog nito. Nararamdaman ko rin ang hininga niya sa buhok ko na marahang dumadampi roon. Tahimik lang kami, tahimik naming tinatanggap ang malamig na hanging dumadapo sa mga katawan naming magkayakap sa ilalim ng puno, sa duyang marahang gumagalaw na tila hinihele kami sa pagtulog, tahimik na nakatingin sa dagat na nag aatras abante sa buhanginan.
I felt peace at the moment, the cold breeze isn't enough to froze my entire being as his arms covered me with the warmth it produces. Marahang nakahilig ang ulo ko sa gilid ng balikat niya at hindi ko mapigilang makaramdam ng saya, kontento, lungkot. Saya dahil nakayakap ako sa kanya, kontento ako sa init na bigay niya, at lungkot dahil lahat ng ito ay pansamantala.
Mali ba? Mali ba ang makontento kasama ang lalakeng may mahal na iba? Mali ba ang maging masaya ng pansamantala kasama siya? Kasi kahit mali bakit ang gaan sa pakiramdam? Pwede ko namang lubusin ang araw at gabi na kasama siya diba? Pwede ko naman siyang magustuhan ng tahimik lang diba? Pwede akong umasa kahit wala akong panghahawakan sa huli.
Handa ako sa sakit na dulot nito, dahil unang araw pa lang masaya ako. At ang saya na 'to ay katumbas ng 'sang dosenang malalaking barko at kahit ni isang sakit hindi yun matitibag, kahit isang malaking yelo, kahit isang malaking bato. Kailangan kong tigilan 'to oo pero pwede bang wag muna? Pwede bang sa susunod na lang?
Kasi masaya ako. Masayang masaya ako. Tawagin niyo na akong malandi, tanga, gaga, tang ina pero masaya ako, hahayaan ko kayo.
Kailangan kong bumitaw sa yakap oo, pero pwedeng mamaya na lang? Kasi tinutunaw nito ang yelo na nakapalibot sa puso ko na matagal kong ginawa para sarili dahil ayokong makaranas ng isang damdaming alam kong makakasira ng prioridad ko. Ang sarap. Ang sarap pala sa pakiramdam pero alam kong lahat ng ito ay matatapos.
Kaya pwede namang lubusin hanggang sa matapos diba?
"Xav." Tawag ko sa kanya.
"Hmm?" He hummed then rest his chin to my head.
"Bakit ka ganyan?" Bulalas ko habang nakatingin sa harap.
"What?" Mahinang tanong niya.
"Hindi mo man lang ba naiisip ang mararamdaman ng girlfriend mo kung makita niya tayong ganito ang posisyon?" Dumapo agad ang kirot sa dibdib ko dahil sa sariling tanong. Duh, Star. Gusto mo naman 'to.
"Star." He called ignoring my question. Hindi ako gumalaw at nasa mga binti ko lang ang mga kamay dahil ayokong mayakap siya pabalik, ayokong hanapin yun sa tuwing wala siya sa tabi ko dahil alam kong masasanay ako at alam kong mali ito.
"Think of me instead, baby." Bahagya akong nagulat sa tawag nito sa akin at naangat na ang tingin ko sa kanya habang gulat ang mga mata.
"Anong tinawag mo sakin?"
Hindi makapaniwalang tanong ko pero ngumiti lang ito at tumingin sa akin. Ilang pulagada lang ang layo ng mga mukha namin pero hindi ko magawang umiwas. Nahihila ako ng mga mata niyang nangungusap.
"Secret. It's your fault for being a deaf as a post." Mapang asar niyang sagot dahilan ng pag irap ko.
"Tsk. Bitaw na nga! Magluluto pa ako!" Singhal ko para itago ang totoong nararamdaman pero hindi ito bumitaw at mas lalo lang hinigpitan ang yakap sa akin.
"Xav." Pinanlakihan ko siya ng mata pero ang mokong ay ngumisi lang.
"Yeah?"
"Bitaw." I firmly said but he only shook his head.
"No."
"Xaviar."
"That's my name."
"Bitaw na nga!"
BINABASA MO ANG
Call of The Sea (Spain: Series 2)
RomanceSPAIN SERIES TWO "Gagawin ko ang lahat para lang maabot ang natatangi kong pangarap para sa inyo nay, tay!" Star Renato, a jolly and loud girl was born less fortunate yet she has the beauty and the brain. Gusto niyang magtapos ng pag aaral para buma...