HEAVEN
"Helen." Napalingon ako sa isang tinig na nanggaling sa likod at nakita ko agad si Nikos na seryosong nakatayo roon.
"Nik." Tawag ko sa kanya at ibinaling ulit ang tingin kay Helen. "Remember my words, bish."
Pagpapagaan ko ng loob sa kanya at hinawakan na ang kamay na nakapalibot sa baywang ko para lumayo na. Inangat niya ang tingin sa akin at kita ang mga butil ng luha sa mga mata niya at ang pamumula nito. I smiled then moved my way to the cabin area para bigyan sila ng privacy. Mukhang tulog din naman si Clerry kaya hinayaan ko na lang siya roon.
Hindi nakalock ang pinto ng isang cabin kaya dumeretso na ako roon. Bumungad sa akin ang mga bag namin sa isang queen size bed. Walang bintana ang cabin pero nabibigyan naman ito ng sinag dahil sa ilaw sa loob. Pumasok na lang ako roon at sumalampak sa kama kahit pa may mga bag sa gilid.
Pinikit ko ang ilang beses ang mga mata ko pero hindi ako makatulog. Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakatunganga lang sa kisame pero napabalikwas lang ako ng bangon dahil sa ingay na nanggagaling sa kabilang cabin. Kunot noong napatayo ako at inilapat ang tainga sa pader.
"Ah, Nik."
"Shh. They'll hear us."
"Eh gago ka pala eh! Pinasok mo lang bigla! Ina mo ka."
Nanlalaki ang mga matang umatras ako roon at dali daling naglakad papaalis ng cabin. Tinignan ko muna saglit ang kabilang pinto pero hindi na ako lumapit doon. Anong ginagawa nila sa loob? Dahil sa iniisip ay naramdaman ko na lang ang pag iinit ng mukha ko pero hindi ko na pinansin yun at dumeretso na sa labas. Bumungad ang ingay ng yate sa akin at nakita si Clerry na abala sa pag se selfie.
Hindi naalis ang boses ni Helen sa tainga ko kaya nagdesisyon akong magpahangin na lang sa open deck. Umakyat na ako roon at kumaway kay Ryle nang makitang nakatayo lang ito sa observation deck ng bridge. Kumaway din siya pabalik kaya tumalikod na ako at naglakad na lang papalapit sa barandilya.
Hindi ko alam kung ano ang ginagawa nila roon sa ilalim pero siguro nag usap na sila ng masinsinan. Marahas ang hangin na dumadapo sa mukha ko at tinatangay na rin nito ang buhok ko pero nanatili ako roon. Kita na ng mga mata ko ang isla. Ilang sandali pa ay naramdaman ko na lang ang pagtabi sa akin ng kung sino kaya tumingin ako sa direksyon niya.
"Xav." I called pero sa harap lang ang tingin niya.
"I think I heard noises when I entered the cabin area." Makahulugang sabi nito. Umiwas naman ako ng tingin dahil baka narinig niya rin ang narinig ko kanina.
"Baka guni guni mo lang." Tanggi ko.
"You think so?" Pilit niya pa pero natawa ako ng alanganin.
"Have you heard Nikos' decision?" Pag iiba ko ng topic.
"Yeah. He's desperate." Ikling sagot niya. "Love makes people desperate."
Natawa naman ako roon at napatingin ulit sa kanya. "Ikaw? Willing kang iwan ang dagat para sa taong mahal mo?" I asked. Tumingin din ito sa akin ng seryoso at agad na nag iwas.
"If she's willing to accept me, then I'm willing." May kumirot na kung ano sa dibdib ko pero hinayaan ko iyon at sa harap na lang itinuon ang mga tingin.
"Cyanery is willing for sure."
Biglang bulalas ko pero hindi na siya umimik pa. Papalapit na ang yate sa isang isla pero nanatili siya sa tabi ko. Hindi ko alam kung para saan ang bigat na nararamdaman ko pero hindi na ako nagsalita ng kung ano. Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang marahang pag ayos niya ng buhok ko kaya nabalik ang tingin ko sa kanya at muntik pa akong mapaatras nang makita ang dilim sa mga mata niya.
BINABASA MO ANG
Call of The Sea (Spain: Series 2)
RomanceSPAIN SERIES TWO "Gagawin ko ang lahat para lang maabot ang natatangi kong pangarap para sa inyo nay, tay!" Star Renato, a jolly and loud girl was born less fortunate yet she has the beauty and the brain. Gusto niyang magtapos ng pag aaral para buma...