CHAPTER 17

298 11 4
                                    

SAIL

"Yes! Nakasurvive din! Akalain niyo yun?!"

Maligayang sambit ni Helen habang tinatahak namin ang daan patungong vendo. Last day ng finals week kaya grabe kung mag enjoy. Hindi nga lang ako sure kung napasa ko ba yun. Kahit pa naman alam ko ang mga sagot hindi ko pa rin mapigilang isipin kung okay lang ba yun o ano.

"Let's have a vacation before Christmas!" Dugtong niya pa.

"Gagastos ka na naman Helen?" Puna ko sa kanya.

"So what? At least happy tayo." Saad niya kaya napailing na lang ako.

"Hindi ka naman mauubusam niyan?" Dugtong ko pa habang kinukuha ang iced tea sa retrieval unit ng vendo.

"Girl? Wala ka namang tiwala sa akin eh."

Pagmamaktol niya na tinawanan ko lang. Concern lang ako dahil alam kong napakawaldasera ng pera yan. Sa tuwing tinatanggihan ko naman ay alam kong pipilitin niya lang kami kaya sa huli ay sinusunod na lang namin siya.

"My parents owns a rest house in Isla Grandiosa in Sagay so yeah. Sagot ko kayo. And I won't take no as an answer." Sambit niya.

"Whatever Helen. Ikaw naman palagi masusunod." Clerry commented.

Nagpalipas na lang kami ng oras sa cafe dahil mamayang gabi pa ata matatapos ang exams ng apat. Pumunta rin ako sa dean's office to check if may nakalimutan pa akong gawin pero natapos ko naman na raw lahat kaya umalis na rin ako roon. Nag text ako kay nanay na gabi na ako makakauwi bago dumeretso sa cafe.

Inabala ko na lang ang sarili ko doon sa pag ce cellphone at alas syete na ng gabi nang matapos ang apat at may dala dala pa talaga silang mga pagkain pagkarating sa table namin.

"Mukhang ang aga niyo naman ata mag party?" Biro ko sa kanila.

"Syempre baka last na pala to." Gatong ni Nikos na tinawanan ko lang.

"Bakit? Feel mo bagsak ka?" Asar ko kaya napairap ito sa akin.

"Wow pasensya naman summa ah at hindi mo ako kasing talino." Sarkastikong sagot niya.

"Huy hindi kaya." Tanggi ko pero umismid lang ito.

"Ewan ko sayo, Star. Inaaway mo na naman ako."

Reklamo niya na parang bata at niyakap pa si Helen kaya napailing na lang ako. Naramdaman ko naman ang pagtabi ni Xaviar sa akin kaya napatingin ako sa kanya. May hawak pa siyang iced coffee.

"Kamusta?" I asked while he's busy sipping his iced coffee.

"Pain in the ass." Bagot niyang sagot.

"Bati na kayo? Akala ko cool off kayo hanggang ngayon." Si Helen pero natawa lang siya dahil sabay kami ni Xav na umirap sa kanya. Ngayon lang din naman kasi kami nagpansinan sa harap nila dahil nga abala na kami sa pag re review last week.

"You're too noisy Helen." Reklamo ni Xav pero mas lalo lang siya natawa.

"Pasensya naman! Biglaan eh!"

Gatong niya pa na hindi na namin pinatulan. Nagplano muna sila sa mga gagawin after christmas. Hindi naman ako masyadong nakakasingit sa mga usapan nila dahil hindi pa naman ako sure kung makakasama ako. Tatanungin ko pa mga magulang ko. Baka ayaw pala nila pero sumang ayon na ako. Mabutina na ang sure.

"Sama ka Star ah!" Bilin pa ni Helen pagkatapos akong ihatid sa labasan na tinanguan ko lang.

Dumeretso na ako sa bahay at naabutan pa ang mga magulang ko na nag uusap sa kusina kaya imbes na umakyat agad ay nilapitan ko sila at nagmano bago umupo sa harapan nila. Biglang nagtaka ang mga mukha nila dahil sa ginawa ko pero ngumiti lang ako kaya mas lalo silang nagtaka.

Call of The Sea (Spain: Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon