CONVERSATION
"Ninong."
Hindi ko alam kung tatayo lang ba ako roon o sasabihin kong aalis na lang ako dahil naghihintay na sa labas ang mga kaibigan ko. Sa mga oras na iyon, gusto kong umalis ngunit ramdam ko ang paa kong biglang natulos na lang sa kinatatayuan.
Nakikipagbatian lang si architect sa grupong iyon pero ang mga mata ko ay nakatuon lang sa isang lalakeng namukudtangi dahil sa dilim at awtoridad dulot nito. He's currently wearing his white maritime uniform na parang kakagaling lang ito sa kanyang sariling trabaho.
Kumabog ng husto ang puso ko at hindi na ako nakaatras nang marahan na akong itulak ng secretary papasok. "Come in, chef." Puna nito nang hindi ako gumalaw.
Dahil na rin doon ay napatingin na rin ang grupo ng mga lalake sa akin. Bahagyang naiwas ko ang tingin sa kanya nang magtama ang aming mata at nag aalangan man nagawa ko pa rin ang maglakad tungo roon. I can feel their gazes at me but my eyes remained somewhere else.
"By the way! Chef." Tawag sa akin ng architect kaya naangat na ang tingin ko sa kanya saka ngumiti ng alanganin. "This is my son Gael, his friends Lucio, Aaron, Mario, Lorenzo and perhaps you know this man since you have the same management?" Pinasadahan ko naman ng tingin ang tinuro niya dahilan para magtama na naman ang mga mata namin.
Walang reaksyon ang mga mata nito at purong lamig lang ang nakita ko kaya mas lalong kinabahan ang kaibuturan ng puso ko. Halos tumagos sa balat ko ang lamig nito. Kaya pala kinakabahan ako kanina. Kaya pala hindi ako mapakali, may paparating palang delubyo at iyon ang nakikita ko sa mga mata nito.
"He's the captain of our ship, architect. Of course I knew him." I said in a monotone despite of the freezing breeze I felt inside me.
"Oh, right! The CC El Tranquila, is it?" Bahagyang napatango naman ako sa pangalan ng barkong binanggit nito habang ramdam ko ang mga mata nitong nakatuon lang sa akin.
"That's good. He's my godson by the way." Magiliw niyang pagpapakilala. "He went here right after I told him about the meeting."
"That's nice." My usual phrase whenever I'm out of words.
I felt breathless at that moment. Hindi ko magalaw ang mga daliri ko kahit pa hindi ako nakatingin sa kanya. I can feel his gaze at me, dangerous and wary. I don't even know why he's kind of wary about my presence when he's superior than me. Abala ang architect sa pakikipag usap sa mga grupong ka edaran ko lang ata at ilang sandali pa ay nag aya na silang maupo na kami.
We where seated in a U-shaped couch, the secretary on my left and another person maybe named Lorenzo on my right. In front of us is a glass table filled with different kinds of liquor. Pinagsisisihan ko nang pumunta pa ako rito pero hindi na rin ako makaatras dahil andito naman na ako.
Halos hindi ko na marinig ang sarili kong humihinga habang nakatingin sa pigura nitong hindi nakatingin sa akin at nasa ninong lang ang atensyon at bahagyang tumatango naman ito sa tuwing may kwento ang kausap. Right at that moment, malaya kong natitigan ang totoong siya. Malaya kong natitigan ang totoong postura nito at hindi na ito isang litrato.
His features matured, the short stubles on his hard jaw defines how masculine and dangerous he'd become. His perfect pointy nose up until his long lashes and thick brows described how superior he can be. He feels different now. Yung tipong wala pa nga itong ginagawa takot ka na paano pa kaya kung mayroon na? I gulped unententionally when I found his lips, pinkish, soft that only reminds of the days I felt one with it.
The moment he intentionally kisses me soft, passionate, torridly with no specific reason. Bahagya akong napapikit nang umatake na naman ang kakaibang sakit sa dibdib nang maalalang hindi lang pala ako ang nakaramdam ng lambot nito. It didn't change, the excruciating pain still goes with each beat within me every time I remembered that one night I saw him kissing someone else.
BINABASA MO ANG
Call of The Sea (Spain: Series 2)
RomansaSPAIN SERIES TWO "Gagawin ko ang lahat para lang maabot ang natatangi kong pangarap para sa inyo nay, tay!" Star Renato, a jolly and loud girl was born less fortunate yet she has the beauty and the brain. Gusto niyang magtapos ng pag aaral para buma...