6 Years Later
Hindi ako makapagsalita nang magtama ang mga mata namin. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, nawala na sa isip ko ang magpakilala ng pormal pero labis ang sakit na dumapo sa dibdib ko nang iniwas niya ang mga mata niya sa direksyon ko. Ito ang unang kita ko sa kanya matapos ng mga nagdaang taon.
Ito ang unang araw na nakita ko siya ng personal matapos akong umalis ng walang paalam. Ilang taon ang nagdaan pero bakit nasasaktan pa rin ako? Bakit ako nasasaktan nang makita ulit ang malamig nitong mga tingin? Kilala niya pa kaya ako? Naalala niya pa kaya ako? Nabasa niya ba ang huling sulat ko?
Maraming katanungan. Katanungang hindi na magkakaroon pa ng sagot.
"Meet my son, Xaviar Klay Alejes!" Napukaw lang ako nang magsalita na ang Don.
"Chef Star." Marahan akong siniko ng executive chef nang hindi ako nakapagsalita.
"Ah. Uhmm. I'm Star Renato, nice meeting you." Mahinang sambit ko at kahit abot langit ang kaba ko ay nagawa ko pa ring iangat ang kanang kamay ko.
Malamig ang mga mata nitong itinuon ang tingin sa kamay kong nakalahad sa kanya at imbes na tanggapin iyon ay tinignan niya lang ito. Nakarinig pa ako ng mga bulungan sa mga taong nakapalibot roon kaya agaran ko itong binawi. Kakaibang kirot ang naramdaman ko sa mga oras na iyon at ramdam ko rin ang init sa mga mata ko.
"I'm sorry Chef Star, he had a bad morning today." Pagpapaumanhin ng kanyang ama na nginitian ko lang.
"It's fine, Don Alejes." Nakangiting sabi ko kahit pa nawawasak ang puso kong matagal nang basag.
"Have a seat!" He urged while gesturing the seat beside him kaya doon na ako umupo.
Hindi ko alam kung saan ko itutuon ang tingin ko dahil paniguradong magtatama ang tingin namin kung titingin ako sa harap dahil magkaharap lang kami. Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko pero mariin ko itong pinipisil sa ilalim ng mesa.
"How are you, my dear?" Bahagya akong nagulat nang bigla ulit itong magsalita pero nagawa ko pa rin ang ngumiti ng bahagya.
"Still alive sir as you can see. How about you?" I answered to break the ice. He just gave out a hearty laugh before nodding.
"I'm very much fine now that you're here." Hindi ko alam kung sadya ba ng mga kasama niya rito sa table ang tumawa na rin nang tumawa siya pero sumabay na rin ako.
Ramdam ko ang taranta sa puso ko ngunit sinanay ko ang puso kong hindi ito ipakita sa iba kaya nanatiling deretso lang ang mga tingin ko. Bahagyang napatingin ako sa harap at nakitang nakatungo lang ito habang ang mga mata ay serysong nakatingin lang sa pinggang walang laman. I felt the longing that is currently hiding in the depths of my being.
His features were more mature than before, his eyes are much colder than before, his stares are much heavier than before. Habang nakatingin ako sa kanya, nakakaramdam ako na parang ngayon lang kami unang nagkita, hindi ko na siya makikila kung tumalikod na ito, ramdam ko na ang layo ng agwat nito kahit pa nasa harapan ko lang ito nakaupo.
Naramdaman ko ang tusok sa puso ko kaya umiwas na ako ng tingin sa kanya at nakitang nakangiting nakatingin lang sa akin ang Don kaya dumapo ang hiya sa katauhan ko. He just caught me looking at his son.
"I have an offer, if it's fine with you chef Star." Umayos ako ng upo dahil doon bago tumango.
"Anything, Don Alejes." I formally said na tinanguan niya naman.
"Since my son is engaged, we planned to give him a grand engagement party. Right, son?" Hindi ko nakita ang reaksyon ni Xaviar sa mga oras na iyon dahil napako ang tingin ko sa Don.
BINABASA MO ANG
Call of The Sea (Spain: Series 2)
RomanceSPAIN SERIES TWO "Gagawin ko ang lahat para lang maabot ang natatangi kong pangarap para sa inyo nay, tay!" Star Renato, a jolly and loud girl was born less fortunate yet she has the beauty and the brain. Gusto niyang magtapos ng pag aaral para buma...