CHAPTER 41

462 9 3
                                    

WITH MATURE CONTENT

WELCOME

"San punta mo Star?" Saglit kong tinignan si Aiyen saka nagpatuloy sa paglalagay ng lip tint.

"Sa Jungle Pool. Inaya ako ni Ryle." Simple kong sagot.

"Sa pool? Then why are you wearing croptop ang pants?" Natatawang tanong ni Aiyen. I just rolled my eyes before putting my tint lid in the closet.

"Wala akong two piece na dala and besides pupunta lang ako roon para magpakita sa kanila, I didn't plan to swim with them." Pagpapaliwanag ko sa kanya na agad niya namang tinanguan saka ngumuso.

"Make sense." Saad niya. "So, magkikita kayo ni marino?"

"Yeah." Bagot kong sagot saka sinuot ang cardigan. "Ge. Pahinga ka na."

Paalam ko na tinanguan niya naman. Lumabas na ako ng cabin at sinuyod na ang daan papuntang elevator. Pagkatapos ng shift ay dumeretso na ako sa cabin para magbihis. Hindi na nga ako ako nag lunch dahil doon na lang ako sa Jungle kakain since may bar doon for foods and beverages.

Nang marating ang deck ay tumingin tingin pa ako sa mga damit na nakadisplay sa boutique saka tinahak na ang daan papuntang entrance ng Jungle Pool. Agad na bumungad sa akin ang mga artipisyal na damuhan at lupa, mga bulaklak, estatwa ng mga wild animals, puno at waterfalls na nakapalibot sa buong lugar. May mga vines pang nakasabit sa kada railings na madadaanan even sa ceiling. It is called Jungle anyways.

Umangat ako sa bakal na hagdan para tanawin kung saan sila Ryle at hindi naman ako nahirapang makita sila dahil malapit lang din sila sa harap ng Jungle bar. Naglakad na ako sa malatulay na daan habang sa ilalim ay kita ang mga tao, mapa bata man o matanda na abala sa pagsasaya sa pool. Nang marating ang kabilang banda ng pool ay nakita ko namang kumaway sa akin si Ryle sa di kalayuan kaya napatingin na rin ang mga kasama niya roon sa direksyon ko.

"You came!" Ryle greeted in the pool while holding a beach ball. "With your pants, nice!"

Napairap ako dahil sa dugtong nito na tinawanan naman nila. Unlike kanina na puro lalake ang kasama nila, may mga babae na rin doon. Bahagya kong inilibot ang paningin sa kanila pero hindi naman masagip ng mga mata ko ang hinahanap ko kaya napabuntong hininga na lang ako.

"Where's Xav?" I asked habang nagpatuloy na ang mga kasama niya roon sa pagkukulitan sa pool.

"On the bridge, papunta na rin ito rito mamaya." Tumango lang ako saka tinuro ang bar kaharap lang ng pool.

"Kain muna ako." Paalam ko. He just smirked before nodding.

"Nagkabati na pala kayo, I see." I just smirked back before turning my back on him. "Ninong ako ha?"

Napailing na lang ako sa pahabol nito saka naglakad papuntang bar. Marahang umupo ako sa high chair kaharap ng bar counter saka kinuha ang menu card sa lagayan para tumingin ng mga pagkaing matitipuhan ko. Bahagyang nabaling lang ang tingin ko sa kabila nang maramdamang may tumabi sa akin. I smiled widely when I realized who that is.

"Xav." Hindi maiwas ang sabik sa tono ko pero hindi ko iyon pinansin.

His dark but soft eyes welcomed me as he spread his arms for a hug. Hindi ko naman ito tinanggihan at niyakap siya ng mahigpit na parang ngayong araw lang ulit kami nagkita. Natawa naman ito sa inasta ko pero siniksik ko lang ang mukha ko sa leeg nito never minding the people's gazes.

"Kanina ka pa ba rito?" He asked as I shook my head.

"Kakapasok ko lang dito." Sagot ko saka bumitaw sa yakap. "Nag lunch ka na?"

Call of The Sea (Spain: Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon