BR
Hindi ko alam kung ilang oras ba akong nag ce cellphone lang pero natigil din nang bumalik na ang mga kaibigan ko na halatang sabog na. Ang gulo ng mga buhok nila Helen at Clerry at mukhang lasing ang mga yun. Tumayo naman ako para alalayan silang makaupo pero deretso salampak agad sila couch dahilan para mapasinghap ako.
"Tang ina bakit ganyan?" Gulat kong mura pero tumawa lang sila.
"Yaan mo na." Si Nikos habang pilit na pinapaupo si Helen. "Sila naman makakaramdam ng sakit sa umaga." Hinampas ko naman ito pero natawa lang siya.
"Gago bakit kasi naglasing?! Akala ko ba sayaw lang!" Asar kong sambit na inilingan niya lang.
"Uuwi ko na to. Baka pagalitan pa ako ng mom niya." Binuhat naman ni Nikos si Helen kaya yun din ang ginawa ni Liam kay Clerry at tumingin agad ito sa akin.
"Tara na Star." Aya nito pero umiling lang ako. Ayoko namang pabagalin ang paghatid niya kay Clerry dahil baka masuka pa yan kaya mag co commute na lang ako tutal malapit lang naman ang daan dito papuntang bahay.
"Hindi okay lang, commute na lang ako. Hatid mo na si Cler." Kita ko naman ang pagguhit ng hindi pag sasang ayon sa kanya.
"Ihahatid kita." Pilit nito pero umiling lang ako. "Star." He warned pero ngumiti lang ako.
"Commute nga lang ako! Para namang hindi malapit ang bahay ko rito. Sige na!" Ngiting sambit ko pero mataman lang itong nakatingin sa akin at ilang sandali pa ay hinawakan naman ni kuya Clark ang braso ko dahilan para mapatingin ako sa kanya.
"I'll head you home." Seryosong sambit nito at akmang hihilain na ako palabas pero natigil ako nang may humawak din sa kabila kong braso.
"I'll head her home Clark."
Malamig na sambit ni Xaviar dahilan para magpalipat lipat ang tingin ko sa kanila na ngayon ay parang may kung anong pinaglalaban sa pamamagitan ng tinginan. Kunot noo naman akong nakatingin sa kanila habang hindi pa rin nila binibitawan ang mga braso ko. Tae anong drama to? Dami naman atang willing na ihatid ako sa bahay ah?
Imbes naman na tulungan ako ng tatlo ay ngumisi lang ang mga yun dahilan ng pag ismid ko. Pwede bang piliin ko na lang si Xaviar na maghatid sa akin sa bahay? Hahaharot ko ghorl. Imbes nga na magulat ako sa ginagawa niya ay natahimik na lang ako. Ilang sandali pa ay narinig ko na lang ang tawa ni kuya Clark dahilan ng pagtataka ko.
"Just kidding! Okay ikaw na maghatid sa kanya. Papagalitan ko pa si Cler." Kuya Clark winked at me before leaving kaya napatingin na rin ako kay Xaviar na ngayon ay seryoso lang na nakatingin sa akin. I just smirked.
"Lakas mong makatatay ah. Tara tay hatid mo na ako sa bahay."
Biro ko but he just tsked at siya na ang kumuha ng bag ko at umalis na nga. Kinuha ko rin naman kalaunan ang bag ko dahil hindi ko naman siya katulong para siya na ang magbuhat. I can't erase my smile nang makarating kami sa parking lot pero nanatili lang akong tahimik. The euphoric feeling never left my system as my eyes diverted to his back while opening the shotgun.
Hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng ganito. I want to get this off my system sooner rather than later pero pwedeng sa susunod muna? Sa susunod ko na lang iisipin yun dahil parang okay pa ang mga bulate ko kakarambol sa tyan ko. Aalisin ko na lang ito sa sistema ko kung malala na ang pagbubugbugan nila sa tyan ko. Ugh. I'm so stupid. He has a girlfriend Star! You are his temptation! But is he tempted? Not. Kaya okay lang. Kaibigan niya ako.
But sadly I'm two faced because I'm starting to like his gestures despite of the friendship he gave me. I'm sorry Cyanery. Itatago ko na lang para hindi na lumala pa.
BINABASA MO ANG
Call of The Sea (Spain: Series 2)
RomanceSPAIN SERIES TWO "Gagawin ko ang lahat para lang maabot ang natatangi kong pangarap para sa inyo nay, tay!" Star Renato, a jolly and loud girl was born less fortunate yet she has the beauty and the brain. Gusto niyang magtapos ng pag aaral para buma...