CAKE
"Sis, di ko dala car mo." Usap sa akin ni Clerry na tinanguan ko lang.
I bought my own car here in Manila nang maka ipon na dahil sa trabaho para hindi na rin ako gagastos ng pamasahe. Sa tuwing uuwi naman akong Bacolod ay tanging sasakyan lang ni kuya ang nagagamit ko. He's currently a deck officer in Costa Favolosa. At gaya nga ng pangako ko sa kanya, I helped him.
Naka graduate ito sa kursong Marine Engineering. He also graduated as a Summa Cum Laude. At that time, I witnessed his tears, I witness his sincerity. I saw how he lifted his head while proudly raising his diploma in front of many. I even took an absent slip to attend to his graduation at masasabi kong proud ako sa kanya.
He stopped reaching his dreams to help his siblings reach their dreams. At sino ba naman ako para talikuran ang isang malaking bagay na ginawa niya? I helped him with everything that I've got not because I wanted to pay for his sacrifices but because I wanted to give him a gift a great kuya deserves.
He's my great love, he's my kuya.
"Mauna na kami." Paalam nila Estel at Aiyen nang marating ang parking lot.
"Geh. Kita na lang tayo sa CC. Uwi pa ako bukas." Paalam ko rin sa kanila.
"Owki. Three days off lang ah, remember." Pag papaalala sa akin ni Estel na tinanguan ko naman.
"I know." I said before entering Clerry's Infiniti.
"D'you have errands today?" I ask while buckling my seatbelt.
"Actually may pupuntahan pa ako sa Costa Serena, but you're more important kaya inusog ko na lang yung sched." Sagot ni Clerry sa likod.
"Wow. I love you ha." Bagot kong saad saka isinandal ang braso sa pinto ng sasakyan nang magsimula na itong tumulak palabas.
"Girl, mahal ka rin namin." Gatong pa ni Helen.
"Ewan ko sa inyo. Di talaga kayo nagbago." Puna ko habang ang mga tingin ay nasa labas lang.
"Ikaw lang naman ang nagbago." Helen said in a sulking manner kaya napatingin na ako sa rearview mirror.
I saw her pouting like a kid but I only rolled my eyes heavenwards. "List down my changes and I'll continue changing it." Bastardo kong sagot.
Clerry just laugh. "That's the first change, Star. Your tone. You sounded so bored when in the past you talk happily." Sambit niya.
Hindi ako nakapagsalita dahil doon. Ganun na ba talaga ang tono ng pananalita ko? Aminado naman akong marunong na akong mag suplada pero hindi ko naman alam na parang walang buhay na ang tono ko. Pinipilit ko namang ibalik ang dating pakikipag usap ko sa kanila ah, hindi ko lang alam kung sapat na iyon.
Ito siguro ang sanhi ng paglayo ko sa kanila ng ilang taon dahil nasa ibang bansa ako. Kahit pa naman kasi may dalawang kaibigan ako roon, inabala ko pa rin ang sarili ko sa pagtatrabaho dahil nag iipon ako ng pera noon para sa pamilya ko at inuukupa ko ang sariling isip ko. Hindi ko na nga nabibigyan ng atensiyon ang sarili ko dahil sa mga bagong obligasyon ko sa buhay.
Idagdag pa ang tinik sa puso kong hindi na naalis.
Pero palagay ko worth it naman lahat ng iyon, kapalit nga lang ang masiyahin kong sarili noon. Pero okay na rin yun, at least umangat kahit papaano ang buhay namin. I renovated our home. I bought my nanay a space near reclamation for her specialty, lugaw. I bought tatay a new boat named StarAude at malaki na iyon kumpara sa bangka namin na hanggang ngayon ay hindi pa naitapon dahil ginusto kong doon lang iyon.
Hindi ko kasi maatim itapon ang isang bagay na isa sa mga dahilan kung bakit kami nakakain ng tatlong beses sa isang araw noon. Alaala na rin ito sa pagmamahalan ng mga magulang ko. At alaala na rin ito ng mga ngiti at tawa ko. Aside sa bangka, I also bought him a jeep named SunRio Lines para hindi na rin ito mag renta kay tito.

BINABASA MO ANG
Call of The Sea (Spain: Series 2)
RomanceSPAIN SERIES TWO "Gagawin ko ang lahat para lang maabot ang natatangi kong pangarap para sa inyo nay, tay!" Star Renato, a jolly and loud girl was born less fortunate yet she has the beauty and the brain. Gusto niyang magtapos ng pag aaral para buma...