WALLET
"Alis na ako nay!"
Paalam ko at lumabas na ng bahay. Nautusan na naman kasi akong mamalengke. Sabado na and these past few days ay panay ang pilit kong pakikipagkaibigan kay Xaviar at panay rin ang tanggi niya. Ewan ko ba sa lalaking yun.
Hindi ko naman siya aagawin sa girlfriend niya if feel niya isa akong malaking threat! Hala siya. Oo nga naman at gwapo ito pero hindi ako na charm sa kagwapuhan niya. Siguro unti lang. Pero hey, wala talaga akong balak na jowain siya since nangako ako sa sarili ko and he's taken.
Nang makalabas na ay nagtricycle na ako papuntang palengke at binili na nga ang mga nakasulat sa papel. Medyo mabigat na ang dala ko pero keri pa naman. Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang isang katawan na sumiksik sa gilid ko dahilan para mapatingin ako sa kanya. Hindi ko kita ang mukha nito dahil naka cap siya.
Ibinalik ko na lang ang tingin sa harap pero ilang sandali pa ay agaran niyang hinablot ang wallet na hawak ko at kumaripas ng takbo. Agad nanlaki ang mga mata ko at hinabol siya kahit mabigat ang mga dala ko. Jusko lord nandun pa ang mga perang naipon ko ngayong linggo!
"Magnanakaw!" Sigaw ko pero ni isa walang may humarang na ikinairita ko. Mga duwag!
Hirap man pero pinilit ko pa rin ang sarili kong habulin siya. I even left my slippers para lang mas lalong bumilis ang takbo ko pero nang malamang hindi ko na ito mahabol ay malungkot akong naupo sa gilid ng kalsada. Bye ipon ko. Pilit kong pinalis ang isang luhang pumatak sa mga mata ko.
Ang tanga ko naman kasi at bakit hinawakan ko lang ang wallet ko at hindi ipinasok ang kamay sa holder! Apaka bobo ko talaga. Paano na yan?! Wala na ang ipon ko at paniguradong magagalit si nanay dahil pati ang pera niya ay natangay. Ugh! Bahala na si batma--
"Here."
Agad na naangat ko ang tingin sa kung sinong lalaking kumausap sa akin at laking gulat ko nang mapagtanto kung sino ito.
"X-xaviar?" Gulat kong tawag habang nakalahad sa akin ang wallet ko! Nakuha niya? Paano? At bakit siya?
"Paano mo--"
"Doesn't matter. Kunin mo na at aalis na ako."
Inip nitong sambit kaya napatayo ako at kinuha na nga ang wallet at akmang tatalikod na ito pero agaran kong nahila ang sleeve ng tee shirt niya dahilan ng paglingon nito at ang iritang mata niya agad ang bumungad sa akin.
"What?!" Inip niyang tanong pero nahihiyang ngumiti lang ako.
"Ipagluluto kitang lugaw."
Sambit ko na ikinagulat niya ng bahagya. Bumuntong hininga muna ako bago nagsalita.
"Pambawi ko lang. Hindi ko man alam kung paano mo nakuha ang wallet ko at least nabalik mo sa akin."
Pagrarason ko at nanatili lang itong seryoso at walang imik. Ilang sandali ay kinuha niya ang kanyang cellphone sa bulsa at nagtaka ako nang may tinawagan siya.
"Bro, I'm out. Nah. Just fine. Yeah. Yeah. Gotta go."
Nang matapos ang tawag niya ay tumingin ulit ito sa akin at tinaasan pa ako ng isang kilay. Ngumiti lang ako at tumalikod muna para balikan ng mga tsinelas ko. Sinuot ko na ito at binalikan si Xaviar na ngayon ay seryoso pa rin ang mga matang nakatingin sa mga paa ko.
"Tara na. Tricycle tayo papuntang bahay." Sambit ko at akmang aalis na nang tawagin niya ang atensyon ko.
"I have my car with me."
At dahil nga roon ay dumeretso na kami sa parking lot ng mall. Bigla nga akong nahiya dahil may kikitain pala ito pero hindi sapat ang pagpapasalamat ko dahil sa ginawa niya. I almost lost my money at kung hindi niya ito nakuha agad ay paniguradong malilintikan na naman ako kay nanay.
BINABASA MO ANG
Call of The Sea (Spain: Series 2)
Lãng mạnSPAIN SERIES TWO "Gagawin ko ang lahat para lang maabot ang natatangi kong pangarap para sa inyo nay, tay!" Star Renato, a jolly and loud girl was born less fortunate yet she has the beauty and the brain. Gusto niyang magtapos ng pag aaral para buma...