JOKE
"Happy New Year!"
Kasabay ng sigawan ay ang pagsigabong ng mga iba't ibang paputok sa labas mapa lupa man o sa langit. Dinig ko ang ibat ibang tunog ng mga motor sa ibang mga bahay habang nakaupo lang ako roon. Nakangiting nakatingin lang ako sa kanila na nagtatalon na tila totoo ang kasabihang tatalon ka sa bagong taon para madagdagan ang tangkad mo.
Masaya ako, masaya akong bagong taon. Masaya ako na nakaabot kami sa bagong taon na kompleto at malusog. Pero ewan ko kung bakit may kulang, may kulang sa puso ko. Gusto ko siyang makita, gusto ko siyang mabati pero hindi na yun kailangan. Kaibigan man ako o hindi, hindi na yun kailangan.
Kung babati man ako sa kanya, siguro sa susunod na lang kung magkita na kami pero ang paghangad ng pagkikita namin ngayon din ay imposible. Simula nang dumating siya rito ng mga nakaraang araw, hindi ko na nalimutan ang mga sinabi niya. Alam kong hindi ko dapat itatak sa isipan ko ang mga katagang alam kong biro lang sa kanya pero bakit nabuhayan ako?
Bakit umaasa ako?
Kasalukuyan kong sinusubukan ang paglimot sa isang damdamin pero bakit parang may tumitigil sa akin? Ang malas ko naman kasi. Bakit ako nahulog sa taong wala namang ibang ginawa kundi ang maging malamig sa akin? Lalo na't may mahal naman siyang iba.
Pero bakit ayaw niyang iwasan ko siya?
Bakit niya ako hinalikan sa noo?
Yun ang mga bagay na hindi ko maiintindihan sa kabila ng pagkakaroon niya ng nobya. Ayaw niya akong umiwas kasi kaibigan ko siya? Hinalikan niya ang noo ko kasi kaibigan ko siya?
Hahalikan ko na rin ba sa noo si Liam kasi kaibigan ko siya? Fuck. Just by thinking of it, bumabaliktad na ang sikmura ko. Goddamn. Idagdag pa si Clerry na handang mangarate sa tuwing may nagnanasa kay Liam, wag na.
"Mahipan ka po!" Halos mapatalon ako sa isang malakas na tunog ng torotot sa gilid ko. Masamang tinignan ko si Sunny na ngayon ay tawang tawa. "Gusto mo bang maputukan?"
"Ano pong klaseng putok?" Nangunot ang noo ko dahil sa sinabi nito.
"Mga piccolo ganun." Simpleng sagot ko na ikinangisi niya.
"Ah. Akala ko ibang paputok hehe." Mas lalong nangunot ang noo ko dahil sa dugtong niya pero imbes na patulan ko siya ay tumahimik na lang ako.
New year ends with a smiling faces from my loved ones as my kuya suggested a new year resolution for me.
"Mag move ka na sa taong hindi naging kayo."
"Ulol mo."
Hindi ko alam kung alam ba ni kuya ang tinutukukoy kong taong mahal ko na may mahal nang iba pero siguro ay may clue siya kung sino, sino lang ba ang may pinakilala kong may jowa tas loyal siya masyado? At may pinipilit din sila sa aking may jowa na nga?
Pero imbes na aluhin niya ako ay tinawanan na niya ako. Kahit naman hindi yun maging new year resolution eh alam kong gagawin ko pa rin yun dahil yun ang tama, bakit ka hahawak sa isang taong may hawak nang iba? Malalaglag ka. Nalaglag na nga ako eh.
Inubos ng pamilya ko ang natitirang oras na bisitahin ang ibang kamag anak namin around Bacolod area dahil wala naman kaming pera mangibang bayan. Nang dumating na ang araw ng pasukan ay dumapo sa akin ang labis na kaba pero kaagad ko iyong iwinaksi.
Bakit ako kakabahan?
Dumeretso ako sa unang klase dahil late na ako. All my first subject classmates greeted me na ginawaran ko naman ng bati.
Himala na hindi ako distracted sa klase kaya natapos ang klase nang may ginhawa ako sa puso, pero nang maglakad na akong cafe ay dumapo na naman ang kaba sa puso ko. Marahas akong napabuga ng hininga then starts counting 1-10 to calm myself down.
![](https://img.wattpad.com/cover/225373564-288-k705733.jpg)
BINABASA MO ANG
Call of The Sea (Spain: Series 2)
RomanceSPAIN SERIES TWO "Gagawin ko ang lahat para lang maabot ang natatangi kong pangarap para sa inyo nay, tay!" Star Renato, a jolly and loud girl was born less fortunate yet she has the beauty and the brain. Gusto niyang magtapos ng pag aaral para buma...