CHAPTER 23

314 12 1
                                    

SKY DECK

"Tang'na kailan pa aandar 'to?

Mariing reklamo ko habang pinapakiramdaman ang pinto ng elevator. Malamig na rin ang mga pagkain sa trolley at ewan ko na lang kung ilang minuto o oras na kami nandito at mamamatay na talaga ako kapag hindi pa kami makakalabas dito. Kanina ko pa rin naririnig ang mga mura ni Xaviar na hindi ko naman maintindihan kung ano.

Busangot ang mukha kong bumalik sa hawakan ng elevator at taimtim na dumadasal na sana mabuksan na ang elevator. Ayokong mag ingay ng maysado dahil baka masira ko na talaga ang araw ng katabi ko. Ako na rin ang may hawak ng flashlight at baka maihampas niya yun sa sobrang asar. Hindi ko alam kung saan siya naaasar o talagang ayaw niya lang akong kasama rito?

Bahagya kong naikot ang mga mata dahil sa iniisip. Kung may langaw pa ata rito sa elevator kanina pa nilalangaw ang mga pagkain. Ewan ko na lang kung may alam silang may na stuck sa elevator.

"He was assigned in the switch room." Sambit niya sanhi ng pagtingin ko sa kanya.

"Sino?" Takang tanong ko.

"Ryle." Agad na tumaas ang isang kilay ko dahil sa sinabi nito.

"Si Ryle?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "Pero bakit niya naman papatayin ang power ng elevator?"

Hindi siya nagsalita at itinuon na lang ang buong atensyon sa harap. Sinunod ko rin ang ginawa niya at nanahimik. Hindi ko naman lubos maisip na papatayin ni Ryle ang mga elevator. Bakit niya naman gagawin yun? Baka nagkamali lang siya tas akala niya mga ilaw napatay niya ang ending elevator na pala.

Inaabala ko na nga ang sarili ko sa pag iisip ng mga bagay bagay pero hindi na humuhupa ang bilis ng tibok ng puso ko. Halos hawakan ko na nga ang dibdib ko para hindi niya lang marinig ang bilis nito. For goodness sake, sino ba naman ang hindi kakabahan? We're stuck in an enclosed space at ewan ko na lang kung makakalma pa ako.

Hindi ko naman hiniling na ma-stuck kami rito habambuhay! Aanhin mo ang pagtingin sa mukha ng taong mahal mo kung mamamatay ka sa gutom dahil na-stuck kayo sa elevator? Marahas akong napailing dahil sa iniisip at ilang sandali pa ay narinig ko na lang ang pagtama ng kung anong bakal sa hawakan na kasalukuyan kong sinasandalan.

Bakit pa kailangang magbihis?
Sayang din naman ang porma
Lagi lang namang may sisingit
Sa t'wing tayo'y magkasama

Bakit pa kailangan ang rosas?
Kung marami namang mag-aalay sa 'yo
Uupo na lang at aawit
Maghihintay ng pagkakataon

Nanindig ang mga balahibo ko nang marinig ang malamig niyang boses na umalingawngaw sa loob ng elevator. Gulat akong napatingin sa kanya pero seryosong tingin lang ang ipinukol niya sa akin.

His deep, cold and mesmerizing voice is giving me chills and serenity. Alam ko na eh, alam ko nang mahal ko siya pero tang'na sa tuwing lumalapit siya, ngumingiti, kumakanta sa harap ko mas lalong nadadagdagan ang kaba, saya, bilis ng tibok ng puso ko.

Mas lalong lumalala ang karupukan ko, nawawala ako sa sariling huwisyo, binabaliw niya ako masyado.

Hahayaan na lang silang
Magkandarapa na manligaw sa 'yo
Idadaan na lang kita
Sa awitin kong ito
Sabay ang tugtog ng gitara
Idadaan na lang sa gitara

Ilang saglit pa ay lumapit ito sa akin samantalang nanatili akong tulala sa kanya. His voice and eyes in the dark are hypnotizing. Wala akong ibang ginawa kundi ang tignan ang mga mata niyang nakatingin lang sa mga mata ko. He held my face then caress it slowly. Hindi ako kumurap at sa kanya lang itinuon ang mga tingin ko.

Call of The Sea (Spain: Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon