CHAPTER 04

330 11 4
                                    

AIR

Abala lang ako sa pagtanaw ng dagat nang biglang may vibrate ang phone dahilan para kuhanin ko ito. Nang makita kung sino ang nag dm sa akin. Napangisi kaagad ako. For sure galit na galit yun dahil sa ginawa ko kanina. I know I pissed him enough para mag dm sa akin. In-open ko na ang insta ko at nakita agad ang message niya na ikinatawa ko ng malakas.

xaviarklay:

I will kill you.

Talaga lang ah. Tignan nga natin kung mapapatay nga niya talaga ako.

bituinrenato:

Try me.

Nag reply din ito kaagad dahilan para mas lalo akong matawa.

xaviarklay:

Hell yeah.

Hindi ko na ulit ito nireplayan dahil baka hahaba lang ang usapan at pag mumurahin pa ako. Ibinalik ko na lang ulit ito sa bulsa ko and for the last time around dinama ko muna ang simoy ng hangin bago magpasyang umuwi na ng bahay. Pagdating pa lang ng bahay ay bumungad na sa akin ang mga isdang pinatuyo na ni tatay ng ilang araw.

"Ibebenta mo sa central yan tay?" Tanong ko na ikinatango naman nito.

"Oo nak. Mataas kasi ang bayad doon kaysa sa likod ng mall." Sambit nito at sinimulan na niyang kunin ang mga tuyo.

Pumasok na lang din ako doon at naabutan din si nanay na naglalagay ng lugaw sa mga plastic cups para ilako niya bukas. Ngumiti lang ako sa kanya na ginawaran niya naman ng ngiti tsaka nagsimula na akong maglinis ng buong bahay. Hindi ko nga lang maiwasan ang pagsuway sa mga kapatid ko dahil nagbabangayan na naman sila.

"Naiinggit na naman si ate!" Sigaw ni Airo.

"Halika nga rito at ipapatikim ko tong paa ko sayo. Dali!"

Bumehlat lang sa kanya si Airo na sinamaan naman ng tingin ni Sun dahilan para sa labas na talaga sila maghabulan. Napailing na lang ako habang nagwawalis at natigil lang nang dumating na si kuya sa bahay.

"Kuys!" Tawag ko na ikinangiti niya lang.

"Naghahabulan na naman sa labas ang dalawa." Puna nito at nagsimula nang maglakad papunta sa akin.

"Sinabi mo pa. Araw araw yan eh."

Sambit ko at ipinagpatuloy na ang pagwawalis. Ilang saglit pa ay may inilahad ng kuya ko ang dalawang daan kaya naangat na ang tingin ko sa kanya at nakangiti lang ito sa akin.

"Baon?" Dahil sa sinabi nito ay ngumiti ako.

"Para sa akin talaga yan?" Biro ko na tinwanan niya lang.

"Oo naman. Dahil naman sayo kung bakit nagtatrabaho ako ng husto. Gusto kong makamit mo ang pangarap na hindi ko nakamit noon."

Sambit nito na nahihimigan pa ang lungkot sa tinig niya. I smiled sincerely at inisang hakbang ang distansya namin para yakapin ito. Isa siya sa mga nagpapakahirap para ihaon ang pamilya namin. Tumigil ito sa pag aaral para makatulong kay nanay at tatay. Alam kong mahirap bumitaw sa pangarap na matagal mo nang binuo pero nagawa pa rin ng kuya ko ang bumitaw para sa amin.

"Babawi ako kuya, pangako ko yan sa inyo." Mahina kong sabi at naramdaman ko na lang marahan nitong paghagod sa likod ko.

"Tatandaan ko yan, bunso." Mahinang sabi niya na ikinangiti ko lang.

Kinabukasan ay maaga akong nagising para sumama kay tatay na mangisda. Naligo na ako at nagbihis saka bumaba na. Habang papuntang salas ay dinig ko ang pamilyar na mga boses dahilan para mangunot ang noo ko. Anak ng. Bakit ang aga naman ata nilang mang alipusta?! Nang makarating sa salas ay hindi nga ako nagkamali!

Call of The Sea (Spain: Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon