CHAPTER 11

300 11 1
                                    

LANDI

"Tae hugasan mo yan Sun!" Sigaw ko sa kapatid ko pero dumeretso lang ito sa labas. "Sun! Anak ng tokwa may gagawin pa ako!"

Lintik na yan. May i rereview pa naman ako. Tinamaan na naman kasi ng saltik yun dahil pagkauwi ko ng bahay ay nakita na naman ni nanay na nagabangayan na naman sila ni Airo kaya ayun kahit gabi na ay lumabas pa rin ng bahay. Paniguradong kila Carlyn na naman ang punta ng gagang yun. Tsk.

Wala na akong ibang nagawa kundi ang ilagay muna ang bag sa may sofa at ako na lang ang naghugas ng mga pinggan habang naka uniporme pa ako. Papahugasin ko na lang siya ng dalawang araw. Nang matapos kong maghugas ay nagluto na ako para sa hapunan at sakto lang ang dating nila tatay at kuya nang matapos ko na ang luto ko kaya naghanda na ako ng mga pinggan.

Kinuha ko na muna ang bag ko bago umakyat at magbihis. Napatingin lang ako sa cellphone ko nang bigla itong tumunog. Nang makitang nagtext si Helen ay agaran ko naman itong kinuha at tinignan ang text niya.

From: Helen

Balitaan mo ako pag kayo na ah? Party agad tayo.

Imbes na maasar sa text niya ay tinawanan ko lang ito at hindi na nagreply sa kanya. Walang hiyang babaeng yun. Naging sila lang ng gagong Nikos na yun ay hindi na talaga siya tumitigil sa kakaasar sa akin. Siguro ay sa aming tatlong magkakaibigan ay ako na lang ang walang jowa kaya niya ako inaasar pero duh. Ano bang pake ko eh malandi sila tapos ako santo.

Bumaba na ako para sa hapunan namin at lumabas pa ako sa bahay para tawagin ang babae kong kapatid dahil nagtatampo na naman kay nanay. Madilim na kaya dahan dahan lang ang bawat lakad ko at baka mahulog pa ako sa kanal. Dumeretso na ako ng pasok sa bahay ni Carlyn at nakita agad ang kapatid ko na nakadapa lang sa sofa at nanunuod ng TV kasama si Carlyn.

"Ate!" Bati ni Carlyn ng makita ako.

"Hello cars." Bati ko at tumingin sa kapatid. "Nang istorbo na naman ang kapatid ko."

"Naku ate! Okay lang." Masayang sambit niya at napatingin na rin sa akin si Sunny. Nakangiting nilapitan ko siya pero busangot lang ang mukha niya saka nag ayos ng upo.

"Oh? Tara na." Marahan ko namang sinuklay ang buhok niya nang makalapit na ako. "Kain na tayo. Wag ka nang magtampo."

"Si nanay kasi eh." Naiiyak nitong sambit. "Hindi naman kasi ako ang may kasalanan kung bakit nabasag ang vase niya."

"Hay. Hayaan mo at kakausapin ko si nanay."

Nasabi ko na lang kaya nagpasya na rin siyang mag paalam kay Carlyn habang kumaway naman ako sa kanya bago umalis. Tahimik lang si Sunny kaya inakbayan ko naman ito. Di talaga mawawala ang pagtatampo ng isang to pag hindi mo susuyuin. Ang arte eh. Manang mana sa akin.

"Tahimik ni mare." Biro ko dahilan para matawa ito ng mahina.

"Ako lang kasi ang napagalitan." Malungkot niyang kwento. "Dalawa naman kami ni Airo ang naghahabulan."

"Syempre naman inday ang laki mo na oh." Sermon ko. "Dapat ikaw naman kasi ang sumusuway sa kapatid mo." Sinandal niya lang ang ulo niya sa balikat ko habang naka akbay ako.

"Hindi ko magawa eh. Ang kulit ng gagong yun." Mura niya kaya nakatanggap ito ng kurot sa braso.

"Gago. Palagi mo lang kasi inaaway kaya hindi mo na masuway." Dugtong ko pa pero nagbuntong hininga lang ito.

"Yaan na. Tapos na eh."

Pagtatapos nito pero sa huli ay inaasar na naman ako nito parte sa kay Xaviar na hinahayaan ko lang. Nahawa na kasi kila Helen eh. Napakamalisyosa though magkaibigan lang naman talaga kami ni Xaviar. Bagay ba talaga kami para imatch nila? Hahaharot ko maderpaker. Tahimik ulit si Sunny nang makarating na kami sa bahay pero hindi ko na rin siya kinulit dahil bukas ay okay na rin naman na siya.

Call of The Sea (Spain: Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon