EVERSINCE
"Makulay."
"Ang buhay."
"Makulay ang buhay?"
"Sa sinabawang pechay! Hahahahah!"
Napairap ako sa mga kaibigan kong hindi na maawat sa mga walang kwentang usapan nila simula lang nang makita nilang nakahawak lang si Xaviar sa baywang ko habang papunta kami sa table. I even pushed him once but he didn't budge! Sa tuwing gagalaw naman ako humihigpit ang hawak niya!
He's like a miner protecting his gold. Damn him.
"What are they talking about?" Namamaos nitong tanong pero nasa harap lang ang mga mata ko.
"Wala akong alam." Simple kong sambit.
"Hmm. Really?" Nanindig ang mga balahibo ko habang dama ko na naman ang kakaibang init na lumulukob sa sarili ko nang marinig na naman ang boses niya.
"Lumayo l-layo ka nga. T-this isn't normal." Kinakabahan kong suway pero inusog niya lang ang upuan ko papalapit sa kanya.
"No. Eres mía, tus labios, tu cuerpo, tu corazón, tu alma será mía para siempre." No. You're mine, your lips, your body, your heart, your soul shall be mine forever.
"Anong pinagsasabi mo? Para kang tanga." Kahit abot langit ang kaba ko ay nagawa ko pa rin yun itanong.
"Nothing." Nanatili lang na nasa harap ang tingin ko kahit pa abot langit ang kaba at saya sa puso ko.
Oo aminado akong pansamantalang nawawala ang bigat sa puso ko dahil sa interaksyon namin pero lahat may katapusan. Lahat naglalaho. Lahat pansamantala lang at siya? Siya ang isang pangarap na saglit lang ibibigay ng tadhana sa akin at kukunin na naman sa mga kamay ko kung masanay na naman akong hawak siya.
As much as I want to indulge myself in a one-sided love I'm afraid I'll be hurt again and besides! There are men who are willing to love me kaya bakit sa kanya ako mag ii-stick? Bakit ako magiging loyal sa isang taong hindi naman naging loyal sa akin dahil hindi naman naging kami unang araw pa lang?
Kaya lahat ng ito, lahat ng kapit niya binabaliwala ko dahil alam kong ganito lang talaga siya noon, na clingy siya masyado, na paasa lang siya kahit pa tinatraydor na naman ako ng sarili kong puso. I couldn't risk anymore. Pagod na akong masaktan ng taong nanakit na sa akin.
"You're beautiful." Masuyo nitong sambit.
"Bolero ka." Saad ko.
"I'm not, baby. I'm not."
Sagot nito habang inuusog ako papalapit sa kanya. Kasalukyan kaming nasa terasa dahil kakasabi ko lang na magpapahangin ako at dahil hindi ko siya maintindihan sumama siya sa akin. I unintentionally rolled my eyes heavenwards.
"Tigilan mo nga ako. Alam ko namang maganda ako nagpapakipot lang ako." Sarkastikong sambit ko at imbes na patulan ako ay nanahimik ito.
Napatingin ako sa kanya at labis na nagsisi nang magtama na naman ang aming mga mata. Iba't ibang emosyon ang naghahalo sa mga mata niya na tanging lamig lang ang nakilala ko kaya umiwas na lang ako ng tingin at tinanaw ang layo ng dagat.
"You asked me," Bulong nito habang bahagyang kumalas sa pagkakahawak sa akin at sumandal lang sa upuan katabi ko. "If I'm missing someone every time I look at the glimmer of the sea."
I shifted on my seat then moved a little away from him dahil nagtatama ang mga binti namin. "Naaalala mo pa yun?" I awkwardly ask.
"Hindi ko naman yun nakakalimutan." Saglit itong huminto at pinakiramdaman ang paligid. "And I miss someone who gave me a letter 7 years ago."
![](https://img.wattpad.com/cover/225373564-288-k705733.jpg)
BINABASA MO ANG
Call of The Sea (Spain: Series 2)
RomanceSPAIN SERIES TWO "Gagawin ko ang lahat para lang maabot ang natatangi kong pangarap para sa inyo nay, tay!" Star Renato, a jolly and loud girl was born less fortunate yet she has the beauty and the brain. Gusto niyang magtapos ng pag aaral para buma...