CHAPTER 19

319 10 3
                                    

TOWEL

"Untie the rope." Utos nito sa isang crew at tumingin sa akin.

"Hold my hand." Sambit nito at inilahad ang isang kamay nang makatapak na siya sa swimming platform. Naghalukipkip lang ako at hindi tinanggap ang kamay niya.

"Kung may plano kang i-kidnap ako, walang pang ransom ang mga magulang ko at mahirap lang ako." Taas kilay kong saad pero kinunutan niya lang ako ng noo.

"Why would I kidnap you? C'mon get my hand." Pagpupumilit niya pero nanatili akong nakatayo sa dock. Seryosong tumingin ito sa akin at bahagyang lumapit at inabot ang dalawang braso ko. Impit akong napatili nang bumaba ang mga kamay niya sa baywang ko para buhatin ako papasok ng yate. "Ano ba?!"

Inis na singhal ko sa kanya nang makatapak na ako ng swimming platform. Umismid lang ito at umakyat na nga papasok ng main deck. Busangot akong sumunod sa kanya papasok at papuntang bridge. Tinamaan na naman ata siya ng sayad kaya ako ang naisipang pag tripan. Ewan ko na lang kung ano ang rason niya kung bakit andito kami sa yate dahil hindi ko naman naintindihan ang mga pinagsasabi niya kanina. Nag alien amp.

"Xav, balik na tayo!" Pilit ko nang makarating ng bridge pero hindi siya umimik. "Uy, Xav."

"Tss. Just shut up and watch."

Malamig niyang sagot at nagsimula nang mag pindot ng kung ano habang wala siyang suot pantaas. Kinalma ko na muna ang sarili ko bago lumapit roon at tinignan ang mga ginagawa niya. Napahawak ako sa gilid ng control systems nang umandar na ang yate.

"Baka kidnapin moko niyan." I joked but he just winced.

"You think so?" Malamig niyang tanong.

"I think so." Sarkastiko kong sagot pero hindi na siya naimik at tuluyan na ngang umandar ang yate. Nakawahak lang ito sa isang lever habang inaayos ang direksyon ng yate sa pamamagitan ng steering wheel. "Para san yan?" I asked while pointing the lever to break the ice. Napatingin naman siya roon.

"It's a throttle, it controls acceleration and deceleration." He explained at may itinuro pang isang lever sa kabila. "That one are the clutches, it acts as a gear shift." Napatango tango naman ako sa sinabi niya.

"Usually, normal yacht would only have a single engine control but since Helen's family yacht is a luxury one, the control systems here are much more advanced than other typical yachts." Tumango lang ulit ako sa sinabi niya kahit wala naman akong kaalam alam sa mga yan.

"So saan nga tayo pupunta? Helen doesn't know anything about this." Pag uulit ko.

"She does know. I asked permission." Napasinghap ako dahil doon. Hindi ko aakalaing sumang ayon si Helen! Imbes na pigilan niya si Xaviar sa mga katarantaduhan niya mas lalo niya pa itong tinutulak. Tang'na. Makakasapak ako. "Saan tayo?" I asked again.

Hindi naman sa wala akong tiwala sa kanya pero gusto ko lang talaga malaman kung saan kami pupunta. Baka mamaya niyan nasa dulo na pala kami ng Pilipinas tapos ako wala man lang alam at bigla niya na lang akong itapon doon at iwanan. Alam naman kasi nating malaki ang galit ni Xaviar sa akin diba? Diba? Diba.

Narinig ko ang pag buntong hininga nito at may pinindot na kung ano sa contol system saka binitawan ang hawak sa helm at lever. "Carbin Reef." Malamig niyang sagot at nagsimulang naglakad paalis. Bigla akong naalarma sa ginawa niya at bahagyang itinuon ang tingin sa harap habang nag aandar pa ang yate. "Huy! Baka may mabangga tayo!" Sigaw ko sa kanya.

"It's auto-piloted, Star at wala tayong mababangga. Sagay waters are clear this morning, I've got legit radar."

Saad niya at bumaba na nga samalantang nanatili ako roon para tignan ang harap. Gago yun! Dapat hindi siya mag kumpiyansa. Malay mo baka lumitaw na lang bigla ang isang barko o di kaya maliit na bangka. Delikado yun lalo na't mag isa lang siyang nag pipiloto ng yate.

Call of The Sea (Spain: Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon