CHAPTER 15

313 12 1
                                    

HAYAAN

"Wooo!"

Helen screamed while busy partying with everyone habang nakaupo lang ako sa high stool at kumakain lang ng burger na binili ni Liam sa akin. Kasalukuyan kaming nasa Lacson dahil nga may small concert ang paboritong banda nila Clerry at Helen. Hindi naman ako makasabay dahil nagsisiksikan sila kaya nagpasya akong sa labas ng barricade na lang umupo habang tanaw sila. Saka galing pa kami sa eskwelahan at pagod ang mga paa ko.

Tumunog ang suot kong pulseras dahil tumama yun sa steel barricade sa gilid ko lang. Tinignan ko ito at agad na napangiti. The shells are simply a white cowrie attached to a black linen cord na kailangan pang taliin para hindi mahulog sa kamay. Nadako ang tingin ko sa star na wood sa gitna nun. Star. It fits my name.

Ngayon lang ata ako nakaramdam ng labis na kasiyahan dahil lang sa isang pulseras na bigay sa akin. Well sino ba kasi ang nagbigay? It's just simply Xav pero hindi na maawat ang malakas na kabog ng dibdib ko because of that. Inaasahan kong masasaktan talaga ako sa huli pero bakit ba? Gusto ko lang manatili dahil iiwan na rin naman namin ang isa't isa pag naka graduate kami.

"Hey." Bati sa akin ng kung sino sa gilid tsaka sumandal sa steel barricade na halatang kakalabas lang doon. It's Xav.

"Kapagod ba?" Pabirong tanong ko. "Nag pa party ka rin pala sa kalsada."

"Ikaw lang naman ang kj." He countered pero umismid lang ako.

"Eh sa masakit ang paa ko." I pouted then looked at my feet na wala ng saplot dahil kinuha ko pansamantala ang sapatos.

"Ang arte mo kasi." Tingin nito sa akin then bended a little. "You avoided me for almost 3 days kaya sumakit yang paa mo kakaiwas sa akin."

"Hindi nga kita iniiwasan!" Tanggi ko pero ngumisi lang ito.

"If you say so."

Hindi naniniwalang saad niya pero bumehlat lang ako. Simula kanina niya pa ako inaasar na umiiwas daw ako sa kanya ng mga nakaraang araw. Though totoo naman ang sinasabi niya hindi pa rin ako umamin sa kanya. Ano yun? Kumuha ako ng bato tas ipinukpok sa sariling ulo? Mabibisto lang ako.

Alas sais y medya na nang magpasya silang lakarin lang namin ang distansya ng perya. Nasa parking lot ng SM ang mga sasakyan nila dahil puno na ang mga kalsada ng mga sasakyan. Malapit lang naman doon ang peryahan kaya pag umalis na sila ay dederetso na lang kami sa parking lot. Nilibot lang namin ang Lacson at Rizal dahil mas gusto daw muna nilang mag tanaw tanaw ng mga pailaw na binibenta ng mga tindero.

May mga nagbebenta pa ng mga maskara at mga cartoon characters na helium balloon. Nagkalat din ang mga inasalan at mga shops na nagpapacustomize ng masskara shirts. Naglakat din ang mga shops na nagbebenta ng mga damit, sapatos, bags at iba pa. Halos mabingi nga ako sa mga iba't ibang music na dumadagungdong sa buong closed streets at lahat ng mga tao roon ay nagsasaya.

"Are you hungry?" Tanong ni Xaviar sa gilid ko pero umiling lang ako. Bat ba palagi nilang iniisip na gutom ako? Tsk. Di naman ako malnourished.

Nakarating na kami sa harapan ng peryahan at ang dami ng tao. Sila Liam at Ryle na lang ang bumili ng ticket para makapasok kami. Nasa gilid lang kami ng entrance at pinagtitinginan naman sila Nikos at Xav especially ng mga babae. Kalaking mga tao eh plus mga anak pa ni Zeus sa sobrang gwapo. Nahiya nga akong tumabi kay Xaviar dahil nagmukha pa akong duwende.

Hanggang leeg niya lang kasi ako. Ilang sandali pa ay dumating na sila Ryle at Liam hawak ang pitong ticket. Binigay naman nila ito sa amin at nakapasok na kami.

"Tara haunted train!" Aya ni Helen.

"Luh Helen." Puna ko habang naglalakad. "Para kang bata."

"Hindi kaya!" Tanggi nito at may tinuro pa. "Tignan mo nga sila oh! Mukhang matanda na sa atin pero G pa rin!"

Call of The Sea (Spain: Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon