ASK
Kasalukuyan kong pinapasok ang mga libro sa bag nang biglang lumapit sa akin si Helen para kalabitin ako. Napalingon naman agad ako sa kanya at nakita ko pa ang malapad nitong ngiti.
"Oh?" Taas kilay kong sambit.
"Well, since malapit na ang sabado we planned na maligo sa dagat." Nakangisi nitong sambit. I just rolled my eyes and continued my thing.
"Hindi naman kita mapipigilan." Sarkastiko kong sambit na tinawanan niya lang.
"Yeee!" She celebrated na hinayaan ko lang.
Kasalukuyan kasi kaming nasa court dahil may practice na naman sila. Ewan ko ba at kung bakit hindi sila nauumay kakanuod ng practice. Umay na umay na kasi ako eh. Kay Xaviar ba naman kasi ako nakatingin palagi sino ba ang hindi mauumay no. Ehem. I'm telling the truth you guys, nakakaumay naman talaga tignan si Xaviar habang nag pa practice.
"Pass me my jug, Star!" Sigaw ni Ryle sa likuran na ginawa ko naman. Kinuha ko na ang jug niya at ibinato sa kanya na nasalo naman.
"Baka kayo ni Ryle ang magkatuluyan niyan?" Asar ni Helen nang makaupo na ako na inirapan ko lang.
"Wow nagsalita ang gustong makatuluyan si Nikos." Sarkastiko kong sambit habang nakatingin sa harap.
"Gago ka ba? Sino may sabi sayo niyan?" She said half-shouting na kinibitan ko lang ng balikat.
"Ako?"
"Ulol mo!" Pagtatapos nito at umalis na sa harapan ko.
Pakipot talaga ang isang yun. Kita naman sa mga galawan nila na may something. Hindi na nga sila masyado nagbabangayan at minsan makikita ko pa silang naglalandian. Kailan kaya ako magkakaroon ng kalandian no? Hayuf. Napag isipan ko rin kasing sa edad na singkwenta na lang ako mag aasawa para hindi ako maysadong distracted pero syempre joke lang.
Tatanggapin ko kung sino man ang dadating. Gusto ko pang magkapamilya no at ayokong lumaki ng mag isa.
Ilang sandali pa ay natapos na rin sila sa pag pa practice habang ako naman ay nagbabasa lang ng libro dahil nababagot na ako kakanuod sa harapan. Sa susunod nga ay hindi na ako rito pupunta at uuwi na lang ng deretso sa bahay. Dumaan nga ang mga araw na iniisip kong uuwi na agad ako after dismissal pero hindi ko magawa sa kadahilanang hindi ko alam!
Alam niyo yun? Yung feeling na paalis na ang utak mo pero ang paa mo deretso lang sa kung saan. Hay. Ano na ba ang nangyayare sa akin at magpapadoctor na ako dahil baka hindi na ako normal. At sa mga araw din yun ay panay na bigay si Xaviar ng juice na hindi ko naman hinihingi sa kanya! Siguro ay nakikipagkaibigan na ang gagong yun o talagang seryoso siya sa lugaw na iluluto ko sa kanya?
Bigla akong natawa dahil sa iniisip. Gusto niya ng lugaw? Nah. Puputi na lang talaga ang mga mata ko at hindi ko pa rin siya maiintindihan. Hirap basahin ng gagong yun.
"Star!"
Tawag ni Helen sa akin nang makita ako sa labasan. Naka tube top at shorts na silang dalawa ni Clerry habang ang apat naman ay ayun at pinagtitinginan na ng mga kababaihan. I just rolled my eyes. Mga eskandaloso.
"Tara na nga na eeskandalo ang mga tao rito." Asar kong sambit at hinila na ang dalawa kong kaibigan.
"Asus. Ayaw mo lang si Xaviar pagakaguluhan eh." Bulong ni Clerry sa akin na nakatanggap naman ng batok.
"Manahimik ka nga!" Pa singhal kong sambit at tumingin pa sa likod kung narinig ba nila at napahinga na lang ako ng malalim nang makitang hindi.
"Cyst, we know you." Tudyo pa ni Helen.
![](https://img.wattpad.com/cover/225373564-288-k705733.jpg)
BINABASA MO ANG
Call of The Sea (Spain: Series 2)
RomanceSPAIN SERIES TWO "Gagawin ko ang lahat para lang maabot ang natatangi kong pangarap para sa inyo nay, tay!" Star Renato, a jolly and loud girl was born less fortunate yet she has the beauty and the brain. Gusto niyang magtapos ng pag aaral para buma...