SILAY
"Celebrate tayo ng panalo niyo, Niks." Biglang sambit ni Helen habang nakayakap sa baywang ni Nikos. I just rolled my eyes.
"Ge, san ba gusto niyo?"
Mahinang sagot maman ni Nikos. Hindi pa rin naalis ang akbay ni Xaviar sa akin na hinahayaan ko na lang. Aside sa ang bango niya mas gusto ko atang ganun lang ang posisyon namin. Landi ko amp.
"Hindi ka napapagod?" Biglang bulalas ko habang nakatingin sa harap.
"Sa?" Mahina niyang tanong.
"Kakaakbay?" I just shrugged pero narinig ko pa ang mahinang tawa nito. He can laugh, okay.
"No. Friends do this right?"
Pabalik na tanong nito dahilan para mapatingin ako sa kanya habang nakatingin lang ito sa harapan.
"Yeah. Friends do this." I answered him but my eyes just settled at his side features. Friends. Hindi naman masama ang loob ko hoy! Inulit ko lang para sagad sa buto.
"Yes! Sa Silay?! Okay deal!" Napukaw lang lang ako sa boses ni Helen.
"Guys sa Silay tayo sa Sabado!" Excited niyang sigaw dahilan para mapakunot ang noo ko.
"Ano gagawin sa Silay?" Takang tanong ko pero lumingon lang sa akin si Helen saka ngumisi.
"Maglalandian!" Sigaw ulit niya dahilan para makatanggap ito ng batok kay Clerry.
"Hoy babae! Nasa Christian School ka pa baka naman!" Suway ni Clerry pero. Helen is Helen.
"Okay lang yan tayo lang naman ang nakakarinig." Sagot niya.
"Girl, sa lakas ng boses mo baka lumabas pa sa painting ang mga tao para hampasin ka." Sarkastikong saad ni Clerry na inilingan ko lang. Mga siraulo talaga.
Nang makarating kami sa labas ay marami pang tao roon and some of them are even looking our way na para bang nanghihinayang dahil puro mga taken na yung mga basketball players kanina. I just laughed in my head as I earned a lot of glares. Chill ka lang Cyan. I got your buddy. Nang makarating na kami sa harap ng gate ay inalis na ni Xaviar ang akbay niya kaya nakaramdam pa ako ng panghihinayang.
Haharot ko girl.
"So? In kayo sa Silay?" Ulit ni Helen pero napaisip lang ako. Baka magalit na si papa nito dahil puro na ako lakwatsa?
"Star ikaw na lang." Si Clerry pero mataman lang akong nakatingin sa kanila.
"I can't." Tanggi ko kaya nalungkot ang mga mukha nila.
"Bakit?" Malungkot na tanong ni Helen. "Sama ka naaaa."
"Papalapit na ang finals." I reasoned out. "Need ko nang mag review ng masinsinan."
"Bes! Ang layo pa nun!" Reklamo ni Helen at lumapit sa akin. "Mag enjoy ka naman sa MassKara!" Umirap naman ako sa kanya.
"Mag e enjoy ka ng MassKara sa Silay?" Sarkastiko kong sambit. "Ano yun extended sa kabila? Para kang ulol."
Natawa na lang din ito sa sinabi ko pero hindi na natigil ang pagpipilit nila. Ayoko naman talaga yung maging kj pero naghahanda lang naman ako ng aral para hindi masayang ang pagpupursiging ginawa ko simula unang araw pa lang. Ayokong madismaya dahil inuna ko pa ang lakwatsa when I have time doing my thing.
"Pero... Naman eh!" Pagmamaktol nito pero ngumiti lang ako.
"I'll head you home."
Biglang bulalas ni Xaviar sa gilid ko kaya napatango na lang din ako. Ayokong makonsensya sa mukha ni Helen at baka mapa oo na naman ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/225373564-288-k705733.jpg)
BINABASA MO ANG
Call of The Sea (Spain: Series 2)
RomanceSPAIN SERIES TWO "Gagawin ko ang lahat para lang maabot ang natatangi kong pangarap para sa inyo nay, tay!" Star Renato, a jolly and loud girl was born less fortunate yet she has the beauty and the brain. Gusto niyang magtapos ng pag aaral para buma...