CHEMISTRY
"Sun! Magsaing ka na!" Tawag ko sa kapatid na agad niya namang sinunod.
Tumayo na ako para ihatid na si Xaviar sa labasan pero hindi pa ako nakakaderetso sa labas ng bahay ay bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan dahilan para gulat akong mapatingin kay Xaviar na ngayon ay parang wala lang sa kanya ang ulan.
"Hoy!" Tawag ko sa kanya kaya umangat ang tingin niya sa akin. "Umuulan na!"
Seryosong tumingin muna ito sa akin bago tumayo para tignan ang labas. Sumunod naman ako sa kanya at halos mapamura ako sa sobrang lakas ng ulan. Takte may bagyo ata. Nag ikot naman ako ng bahay para hanapan siya ng payong. Yan kasi eh! Ang dami pang arte! Sinabihan nang umuwi para hindi maabutan ng ulan pero mapilit siya masyado.
Nakita ko pa si tatay na tinatali ang bangka sa likod ng bahay para kung bumaha ay hindi yun tatangayin. Halos mapamura ako nang hanggang tuhod na niya ang baha. Wala sa sariling bumalik ako sa salas at nakita ko pang nakatayo lang doon si Xaviar sa harap ng pinto. Nagbuntong hininga na lang ako saka umupo sa sofa at pinindot ang remote ng tv.
"Hintayin mo na lang humupa ang ulan."
Bagot kong sambit at nanuod na ng telebisyon. Ilang sandali pa ay tumabi ito sa akin pero nasa kabilang side siya ng sofa kaya chill lang ako. Hindi ko alam kung kailan huhupa ang ulan pero sana naman pauwiin niya si Xaviar. Gumagabi na rin kasi.
"I guess I'm staying the night here." Gulat akong napatingin sa kanya at umambang ibabato ang remote.
"Gago ka ba? Saan ka matutulog? Sa sahig?!" Asar kong tanong pero nagkibit lang siya ng balikat.
"Your room?" Muntik pa akong mahulog sa sofa dahil sa sinabi niya.
"Saan mo ako patutulugin? Sa labas? Aba abusado ka ah." Nakairap kong sambit. "Imbes na magdasal kang humupa ang ulan parang mas gusto mo pa atang matulog dito.
"Not really."
Pagtatapos niya kaya natahimik na lang ako at nanuod na lang ng palabas. Ilang oras na kami atang andun at hinihintay ang pag hupa ng ulan pero wala eh. Ang lakas pa rin ng ulan! Mas gusto ata ng ulan na dito patulugin si Xaviar. Jusko wag naman sana. Baka matulog pa ako sa sahig ng wala sa oras.
"Lakas ng ulan." Reklamo ni nanay habang bumababa. Bahagya pa siyang nagulat dahil andun pa si Xaviar.
"Oh hijo, hindi ka pa umuuwi? Gabi na ah." Gulat niyang tanong saka tumingin sa akin.
"Baha ho sa labas." Magalang na sagot naman ni Xaviar.
"Naku. Naabutan ka pa ng baha. Nasa labasan ba sasakyan mo?"
Tanong ulit ni nanay kaya inabala ko na lang ang sarili ko sa panunuod ng telebisyon. Napaangat din ang tingin ko sa wall click at alas otso na pero hindi pa rin humuhupa ang ulan! Anak naman ng!
"Dito ka na magpalipas ng gabi hijo." Gulat naman akong napatingin kay nanay na ngayon ay inosenteng nakatingin lang sa amin.
"Nay! San mo yan patutulugin?!" Tumayo ako sabay turo kay Xav. "Sa labas? Wala tayong guest room nay baka naman!" Reklamo ko pero tumawa lang siya.
"Hay, anak. May extra ka namang mattress. Ilatag mo na lang sa gilid ng kama mo."
Makahulugan niyang sambit kaya hindi ako makapawaniwalang napatingin sa kanya. Nanay ko ba talaga to?! Bakit gusto niyang magsama kami ni Xav isa isang kwarto?! Hindi niya ba naisip na baka may mangyareng iba? O ako lang talaga ang may utak na mahalay?!
Bakit niya naman gagawin yun eh magkaibigan lang kami at loyal siya sa jowa niya?! Pero kahit na! Hindi yun pwede dahil lalake siya babae ako. Hindi naman siya si Helen o Clerry para papasukin ko sa kwarto ko ng basta basta at patulugin doon.
BINABASA MO ANG
Call of The Sea (Spain: Series 2)
RomanceSPAIN SERIES TWO "Gagawin ko ang lahat para lang maabot ang natatangi kong pangarap para sa inyo nay, tay!" Star Renato, a jolly and loud girl was born less fortunate yet she has the beauty and the brain. Gusto niyang magtapos ng pag aaral para buma...