NO
"Tuliro na naman."
Nagising lang ako sa pagkakatulala nang dumating na ang mga kaibigan ko sa cafe. Lunch time na at dito ko na lang sila hinintay. At dahil na rin siguro sa tagal ng hinintay ko ay natulala na lang ako.
"May baon ka?" Tanong ni Helen na inilingan ko lang.
"Ampuchaks bakit wala?!" Tanong niya ulit dahilan para mangiti ako.
"Nakahanda na ang baon ko sa mesa nalimutan ko lang." Sagot ko at akmang tatayo na para makabili ng pagkain nang hilain nila ako pababa.
"Bakit?" Taka kong tanong sa kanila.
"Libre na kita, Star! Masarap naman ang menudo mo kahapon!"
Sigaw ni Ryle habang tinatahak na ang daan papuntang counter. Napalamutak na lang ako ng mukha nang magtinginan na naman ang mga estudyante sa akin na para bang may mali na naman akong ginawa. Baka anong isipin nila sa sinabi ni Ryle. Natatawa namang umalis ang mga kaibigan ko at naiwan na nga ako sa table ng mag isa.
Nang makabalik na sila ay agad akong tinabihan ni Ryle at inilagay sa harap ko ang isang pinggan na naglalaman ng barbeque, chicken at rice. Bumaling ako para ngitian siya na ginawaran niya naman ng ngiti.
"Salamat, Ryle." Pagpapasalamat ko na tinanguan niya naman.
"No problem!" Masayang sambit niya at nagsimula na nga kaming kumain. While busy eating bigla namang nagsalita si Helen.
"Crush mo yan Ryle?"
Asar ni Helen dahilan para mabilaukan ako. Kaagad kong kinuha ang tubig ni Clerry para mawala pero ang gaga tumawa lang.
"So straight forward of you Helen! Of course crush ko siya as a friend. That's all." Pagdedefend ni Ryle sa sarili.
"And I don't want to enter trouble in the near future."
Kaagad nangunot ang noo ko sa dugtong nito. Anong trouble na naman ang sinasabi niya? Isinawalang bahala ko na lang iyon at tinapos na ang kain. After some chitchats ay umalis na rin ako dahil may sched ako after lunch.
Lutang ang ang utak ko sa di alam ang kadahilanan at nagising lang ako ng tawagin ng prof ang atensyon ko.
"Ms. Renato can you repeat my question?"
Seryosong tanong niya dahilan para mapatayo ako at mapatingin rin sa mga kaklaseng nakapalibot sa akin. Fuck. Tulala na naman ako!
"Uhm...What term is used to describe harmful bacteria spreading from raw foods to other foods, ma'am." Deretsong sambit ko na ikinangiti niya.
"Well, can you answer it as well?" Tanong pa nito na ikinatango ko.
"Bacterial cross contamination, also defined as the transfer of harmful pathogenic bacteria from one item food, surface, person to food. This occurs in food when there is direct contact between the source of the bacteria and food, ma'am." Malakas kong paliwanag na ikinatahimik ng lahat habang deretso lang ang mga tingin ko.
Actually narinig ko lang talaga ang question ng prof namin and luckily nabasa ko iyon sa mga libro ko sa bahay dahil kung hindi alam kong patay na talaga ako ngayon pa lang. Hindi pa naman ako nakikinig sa lecture kanina.
"Another question, why is it important to cut food into uniformly sized pieces?"
She asked in a challenging tone dahilan para mapatayo ako ng maayos. Hindi niya talaga ako tatantanan kapag hindi ako nagkamali, but then I won't succumb to her satisfaction.
"Cutting food into uniform shapes and sizes is important for two reasons. The first is that it ensures even cooking. The second is that it enhances the appearance of the dish, ma'am."
![](https://img.wattpad.com/cover/225373564-288-k705733.jpg)
BINABASA MO ANG
Call of The Sea (Spain: Series 2)
RomanceSPAIN SERIES TWO "Gagawin ko ang lahat para lang maabot ang natatangi kong pangarap para sa inyo nay, tay!" Star Renato, a jolly and loud girl was born less fortunate yet she has the beauty and the brain. Gusto niyang magtapos ng pag aaral para buma...