Chapter 2

168 32 9
                                    

Kinaumagahan ay napagpasyahan kong magsimba.

Nagayos ako at nagluto na din ng breakfast sa kitchen para kay Ash, hindi pa ito gising at puyat na naman panigurado Kaya hinayaan ko nalang itong magpahinga.

Pagkatapos kong magluto ay kumain na rin ako bago napagpasyahang magayos at pumunta ng simbahan. Nagcommute lang ako kaya ko naman magcommute at ayaw ko ding maisturbo ang ibang driver doon.

Natapos naman ng maaga ang misa, bago pa man makalabas ng simbahan ay may nakita akong isang babae. Mukhang nangangailangan ito ng tulong sa sobrang daming dala. Nilapitan ko ito at tintulungan.

Nung una ay tumatanggi pa ito ngunit bumigay din ito sa pangungulit ko.
"Salamat talaga, nagkasabay sabay lang kasi yung mga pinakuha e."

"Naku! Walang anuman kahit sino naman ang makakita sayo na ganun tutulungan ka e." Sabi ko rito at pinakawalan ang isang ngiti.

"Ako nga pala si Sophie, nice to meet you." sabay abot ng kamay nito.

"Calista, Calista kesh. Nice to meet you too." sabay tanggap sa kamay nito.

Nang makilala ko si Sophie ay nagpaalam na din akong uuwi na.

Nang makauwi ako sa bahay, naabutan kong nasa sala si Ash at nanonood.

"Kesh, have you eaten before you leave?"

"Yes girl, bakit?"

"I see, wala lang." then she laugh.

"Weirdo, sige bihis muna ako." sabi ko rito at pumanhik na papunta sa taas.

Pagkatapos kong magbihis ay saktong dating din nila tito galing sila ng U. S you know work.

Hinug nila ako pagkatapos ko silang salubungin.

Natapos ang isang araw ng wala man lang kaming ginawa ni Ash kundi ang magchikahan at nagreview, gumawa ng assignment echeneme.

Kinaumagahan, maaga akong nagising. As usual lol.

Inayos ko ang gamit ko at chineck kung kompleto ba o may kulang pa sa dadalhin ko.

Bago ko pa man makalimutan ang uniform ko para sa work ko later ay pinaalala na ito ni Ash.

"Hey girl, uniform mo nakita ko dun sa cabinet. Wala kang work?" she asked.

"I have, nakalimutan ko lang kunin." sabi ko rito at nagmamadaling kinuha ang uniform na naroon.

Naga-part time job ako sa isang coffee shop malapit sa school.

Monday, Wednesday and Friday ang schedule ko doon kaya nagaadjust din ako minsan sa time lalo na kapag may important groupings ay di na ako nakakapasok sa trabaho which is naiintindihan naman ng manager ko.

Pero syempre bawas din sa sahod ko bawat absent ko.

Pagkatapos ni Ash na magayos ay hinatid kami sa school.

"Aantayin pa ba kita mamaya girl?"

"Mauna ka na girl, No need."

"Okay."

Andito kami sa cafeteria and after this may dalawang subject pakong papasukan bago dumiretso sa coffee shop na pinagtatrabahunan ko.

Pagkatapos naming kumain ni Ash sa cafeteria at magchikahan ekeneme.
Naghiwalay din kami nito ng landas magkaiba ang schedule namin obviously.

Natapos ang klase ko sa araw na yon.
May ibang assignments na ibinigay, buti na nga lang ay walang groupings or groupwork today.

"Kesh! Ikaw na sa counter." sigaw ni Iris.

A Writer's DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon