Chapter 20

53 8 0
                                        

Nahirapan akong makatulog ng gabing yun sa pagiisip ng kung ano ano.

Tumingin ako sa salamin at nakita ang nangingitim na eyebags.

Ikaw ba naman alas singko na natulog tapos magigising ng alas sais y media.

AAAAAAAH!

Nagmadali ako sa pagaayos. Malalate na akoooooo!

Dali dali kong kinuha ang bag ko pati ang phone ko.

Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ng kwarto ko ay bumungad sa akin ang bouquet na may lamang mapupulang rosas may mga chocolate rin na naroon.

Dinampot ko ito at kinatok si Ash sa kwarto niya. Walang sumagot doon dali dali kong sinara ang unit ni Ash at patakbong sumakay sa elevator. Mabuti nalang at hindi ako nahirapan sa paghahanap ng taxi.

Nakahinga ako ng maluwag ngmakasakay na ako sa taxi. Hawak ko pa rin ang bouquet na nasa harap ng pinto ng kwarto ko. Binasa ko ang nakasulat rito.

Hey good morning, don't forget to eat your breakfast before you go.
Have a good day, text me if you need me. 143.

Hindi na ako magtataka kung kanino ito galing.

Inamoy ko ang bulaklak na naroon at agad na pumasok sa ilong ko ang mabangong amoy nito.

Nang makarating ako sa gate ng school ay agad akong nagbayad sa taxi bago tuluyang bumaba. Lakad at takbo ang ginawa ko upang makarating ng saktong oras sa room.

Bago ako pumasok ay sinilip ko muna kung naroon na ang prof namin. Nang makitang wala ito ay agad akong pumasok roon. Nakarinig ako ng bulong bulongan sa pagpasok ko ngunit hindi ko nalang ito pinansin at agad na umupo sa upuan ko saktong pagupo ko ang pagdating ng prof namin.

Inilapag ko sa blankong upuan na nasa tabi ko ang bouquet na hawak ko at nakinig nalang sa prof na nagtuturo sa harap.

Ash POV

Naglakad ako papunta sa mini park na meron ang school na ito. Kanina ko pa hinahanap si Kesh, akala ko ay nauna itong pumasok paano ay lagi naman siyang nauunang magising sa akin.

"AAAAH!" nagulat ako sa biglang pagsigaw ng isang babae kaya napalingon ako roon.

Nanlaki ang mata ko ng makita si Kesh roon. Paniguradong magsesermon na naman ito.

"Bakit hindi mo ako ginising?! Iniwan mo pa ako." iritadong sambit niya.

"Akala ko kase nauna ka na. Ang aga aga mo kaya nagigising eh bat ngayon na late ka?" natatawang asar ko dito.

"Basta! Nakita mo ba naglagay nitong bulaklak sa labas ng pinto ng kwarto ko?" tanong nito.

"Hindi, pero pumunta si Akio dun maaga nauna lang akong umalis sa kaniya, gusto niya dun eh." sagot ko.

Tumango lang ito at umupo sa bench na nasa harap namin. Umupo rin ako roon at tumabi sa kaniya.

"Umamin na?" tanong ko.

"Ouhm, pero hindi ko naman alam yung gagawin ko. First time lang nangyari 'to." sagot niya.

Umayos ako ng upo.

"Girl, I got you! Bigyan mo ng chance yung tao kung feeling mo may chance na maging parehas yung nararamdaman niyo, pero kung ayaw mo at wala sa isip mo 'yang ganiyang bagay edi bastedin mo na sus si Akio lang yun, si Kesh ka. Anong magagawa niya kung binasted mo siya, duh." mataray na sambit ko.

Ngumiti si Kesh sa akin.

"Ikaw ha! Saan mo nakuha yun eh wala ka namang jowa!" pangaasar nito.

A Writer's DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon