Chapter 33

33 5 0
                                        

Ang idlip na sabi ko ay nauwi sa tulog, isa't kalahating oras pala akong nakahiga.



Tumayo ako, iinitin ko nalang ang pagkain mamaya. Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Akio.



To: Akio

Anong oras ka makakauwi? Take care. Eat your breakfast huh?




Nagreply siya na baka dalawang oras pa ang itatagal niya roon.


Napagpasiyahan kong mabihis dahil amoy pawis na rin ako ngunit wala pala akong dalang damit.


"Uuwi nalang ako. " I mumbled.


Maaga pa naman kaya pwede pa akong makauwi at magpalit ng damit. Sumakay ako ng taxi pauwi.


Pagkapasok ko pa lang sa condo ay bumungad na si Ash na naglilinis ng kung ano.


"Oh? Tapos ka na?"


"Oo kaso, amoy pawis na ako nakalimutan ko magdala ng damit."


"Ah, sige pasok ko lang 'to ayaw gumana eh."

Tumango nalang ako roon at pumasok sa kwarto ko.


I'm wearing a white sweater tucked in a ripped jeans.


Saktong pagdating ko sa penthouse ni Akio nagtext ito na pauwi na siya. Nagmadali akong pumunta da penthouse niya at ininit ang pagkain na niluto ko.

Pinagpagan ko ang damit ko at naglagay ng konting lipgloss sa labi ko. Pinatay ko ang ilaw sa buong penthouse.


Nilapag ko ang cake na katatapos ko lang iaahon sa oven. Naghanap ako ng lighter na pwedeng magamit na pangsindi sa kandila.


Umakyat ako sa ikalawang palapag habang naghahanap noon, marahil meron sa kwarto.


Hawak ko pala ang regalo ko nakalimutan ko ng ilapag dahil sa kakamadali. Nakalagay iyon sa paperbag kaya hindi mo malalaman kong ano ang laman noon.


Pumasok ako sa kwarto ni Akio. Ngunit wala akong nakitang lighter doon.


Bumaba nalang ako ng mabigo sa paghahanap habang naglalakad ay nakakita ako ng salamin, naaninag ko ang repleksyon ko roon. Inayos ko ng buhok ko at ngumiti bago naglakad pabalik sa sala.

Nakarinig ako ng kaluskos kaya unti unti akong nagtago sa likod ng sofa.


Mga mumunting boses ang naririnig ko, naguusap ang mga ito.


Sinilip ko ito mula sa kinauupuan ko.


Si Akio ay nakatayo roon may tumulak sa kaniyang babae.


Nanlaki ang mata ko sa mga nakita ko.


"Can you please tell m-"

Si Alice.


Nanlumo ako sa pagkakita sa ginagawa nito. Maiksing damit ang suot ni Alice at katulad ng dati ay makapal ang pulang lipstick na nasa mga labi nito.


Nilagay niya ang index finger niya sa bunganga ni Akio para pigilan ito sa pagsasalita. Hinawakan niya ang dibdib ni Akio sa nakakakaakit na paraan.


"Shh, may balak ka palang isurprise ako. Ang ganda ng mga balloons. That's your favorite color right?"

Tinulak ni Alice si Akio dahilan para mapahiga ito sa sofang pinagtataguan ko.

A Writer's DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon