Nagkwentuhan ang dalawa samantalang ako pasimple lamang silang sinusulyapan habang sumisimsim sa inumin ko.
Bagay silang magsamang mag-ama, parehas sila English-speaking. Hmp.
Nagtagal pa kami ng dalawampung minuto sa shop na iyon bago mag-aya si Cayleigh sa kung saan. Hindi ko narinig dahil wala naman silang balak iparinig.
Silang dalawa lang ang naguusap, animo'y may mga sariling mundo at walang pake sa taong nasa paligid nila.
Humawak si Cayleigh sa kamay ng ama niya. Bahagya akong napaiwas ng tingin. Ewan ko kung bakit bigla na lang may kumurot sa puso ko.
Pero hindi ko din naman siya masisisi tatlong taon din niyang hindi nakita si Cayleigh, ganoon rin si Cayleigh sa kaniya.
Dumaan sila ng timezone kaso sa hindi malamang dahilan sarado iyon.
"Daddy, I want to play!" ani Cayleigh na nakahawak sa daddy niya at nanlulumo dahil sarado iyon.
Hindi ko maiwasang titigan ang dalawa. Dahil sa kagustuhan ni Cayleigh na maglaro sa timezone nagsuggest si Akio na lumipat ng mall.
Habang naglalakad kami papunta sa sasakyan na dala ni Akio, naramdaman ko ang paghapdi ng paa ko. Hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy na lang sa paglalakad.
Hinayaan kong umupo si Cayleigh sa tabi ni Akio, habang ako naman ay akmang uupo na sa likod.
"Whewe awe you going, ami?" Cayleigh.
"Sa backseat ako baby." ani ko at ngumiti.
"No, uupo ako po sa lap mo po."
"U-uh.. Okay. Come here." pumasok na ako sa tabi ng driver seat at binuhat si Cayleigh para paupuin sa hita ko.
Masiyang nakaupo si Cayleigh sa hita ko. Naguusap sila ni Akio at mukhang enjoy na enjoy siya sa presensya ng kaniyang ama.
"Daddy, whewe do you live?" ani Cayleigh.
"I have penthouse and a house, baby."
"Reawwy? Cayleigh can go there?" tanongni Cayleigh na naghahangad na payagan siya.
"Of course baby, you can." nakita ko ang pag ngiti ni Akio sa anak namin.
Nanatili akong tahimik kahit na halos matuyuan na ako ng laway sa hindi pagsasalita.
"You heard that ami? We can go to daddy's penthouse." Cayleigh giggled.
Parang isang short film na nagflashback sa akin ang mga ala-alang matagal ko ng iniiwasan at sinusubukang kalimutan.
Nakita kong bahagyang sinilip ako ni Akio. Mapait akong ngumiti kay Cayleigh.
"Daddy, whewe are your mom and dad? Ami's mama is in amila's house, she's my lala, amila is also ami's mom. Is your mom is my lala too?" inosenteng tanong ni Cayleigh.
"Yes baby, nasa japan sila."
Parang isang musika sa pandinig ko ang boses ni Akio ng marinig ko ang pagtatagalog nito.
"Cayleigh's lala? Japan?"
"Yes, baby. Do you want to go there?" tanong ni Akio habang patuloy sa pagda-drive.
Napahikab ako at bahagyang napapikit ng dalawin ako ng antok. Isinandal ko ang ulo ko sa may binta ng kotse niya at ipinikit ang mga mata ko.
_____
Akio's POV
"Uh, ami?" lumingon ang anak ko sa mama niya.
Anak ko, ang sarap sa pakiramdam na malaman kong may anak ako.

BINABASA MO ANG
A Writer's Dream
Novela JuvenilA girl with a dream. Babaeng itinuon sa pagsusulat ang kanyang pangarap. Makamit nya kaya ito? Babaeng nangangarap sa gitna ng kahirapan. Babaeng nagsusumikap para sa pangarap. Samahan nyo ako at alamin ang kwento ng isang manunulat na may mataas na...