Akio's POV
Nakatulog din si Kesh sa pagiyak. Hindi ito kumain at wala raw gana.
"Hindi ka pa matutulog? Magpahinga ka na." tanong ko kay Ash.
"Hindi na muna siguro, baka magising si Kesh at matakot kung wala siyang kasama rito." she forced a smile.
"I'm here, ako ng bahala sa kaniya, you need to rest, may pasok ka pa bukas." nginitian ko ito.
"Please take care of her. She's scared and i don't know what to do." she pleased me.
I nodded.
Umalis ito ng kwarto ni Kesh. Umupo ako sa upuan na nasa tabi nito. Pinagmasdan ko ito ng matagal bago yumuko at naisipang matulog nalang.
Naalimpungatan ako ng marinig ulit ang hikbi nito.
" Wag p-po. " she almost whispered.
"Hey, Come here." niyakap ko ito.
"I'm scared." nabasag ang boses nito ng sabihin iyon.
"Don't be, I'm here." pagpapatahan ko rito.
Halos dalawang araw na siyang ganiyan hindi rin siya naglalabas ng kwarto niya at nagkukulong lang.
Humikbi lang ito ng humikbi sa balikat ko habang nakayakap sa akin nakatulog rin ito. Inayos ko ang higa nito at tsaka lumabas ng kwarto para uminom ng tubig bago bumalik sa upuan na nasa tabi ni Kesh at natulog na.
Kesh POV
Buong araw akong tulala sa loob ng kwarto ko. Natatakot akong lumabas, nagkukulong lang ako sa kwarto.
Natauhan lang ako ng marinig ang pagbukas ng pinto ng kwarto ko. Agad akong napalingon roon.
"Kumain ka muna, hindi ka raw kumain sabi ni Akio sa akin bago umalis. Maayos na ba pakiramdam mo?" tanong nito habang dala dala ang isang tray na may lamang pagkain.
"Maayos na pakiramdam ko." i forced a smile.
"Buti naman kung ganon, dinala ko na yung module na pinapasagutan ni Ma'am Cortez, pagkatapos pa naman ng sembreak ang pasahan niyan wag kang magaalala." sabi nito bago umupo sa may dulo ng kama ko.
"Ganoon ba? Sige." tipid na sagot ko rito.
"Sige, maglilinis muna ako ng gamit ko sa kwarto ha? Pag may kailangan ka katok ka nalang." she smiled.
Tumango ako rito at sinuklian ito ng ngiti.
Narinig ko ang pagsara nito sa pinto. Pinilit ko ang sarili ko na kainin ang hinain ni Ash para sa akin kahit na wala talaga akong gana.
Nang matapos ako sa pagkain ay lumabas ako ng kwarto ay hinugasan ito.
Nakakahiya na rin kasi kala Ash masyado akong pahirap, nilinis ko ang mga kalat na nasa sofa at table sa sala.
Kauuwi lang rin kasi ni Ash galing sa school kaya wala pang nakapaglinis rito.Nagulat ako ng bumukas ang pinto ng kwarto ni Ash.
"Ako na diyan, magpahinga ka na lang." aniya habang inaagaw sa akin ang hawak kong basahan na dapat ipupunas ko sa basang lamesa.
"Ako na, magtatatlong araw na akong nasa kwarto ayos lang, nakapagpahinga na rin naman ako ikaw ang kailangan ng pahinga." sabi ko rito.
Wala rin itong nagawa kundi umupo sa isa sa mga maliit na sofa at pinanood ang ginagawa ko.
"Sembreak na next week, uuwi ka? Magb-birthday na si tita diba?" tanong ulit nito.
"Oo, uuwi ako sasama ka? Inimbita ka ni mama diba?" sumulyap ako rito habang nagpupunas ng lamesa.

BINABASA MO ANG
A Writer's Dream
Teen FictionA girl with a dream. Babaeng itinuon sa pagsusulat ang kanyang pangarap. Makamit nya kaya ito? Babaeng nangangarap sa gitna ng kahirapan. Babaeng nagsusumikap para sa pangarap. Samahan nyo ako at alamin ang kwento ng isang manunulat na may mataas na...