Chapter 22

39 7 2
                                        

"Mamaaaa!" mangiyak ngiyak ako ng sunod naming sakyan ni Nate ang EKstreme Tower Ride

Halos kumawala ang kaluluwa ko sa biglaang pagbaba ng EKstreme Tower Ride na ito.

"Mamaaaaaaaa! Wengya ka Nateee kakalbuhinn kitaaa!" tili ko na halos mamaos na.

Tinawanan lang ako nito at nageenjoy pa sa pinagagawa namin.

Nang biglang tumaas ang EKstreme Tower Ride ang siyang paghiwalay na naman ng kaluluwa ko sa katawan ko.

"Tulonggggg! Papatayin kita Nateeee!" nagpapalag ako kahit na alam kong wala naman itong magagawa.

Mas lalong lumakas ang halakhak ni Nate sa ginawa ko.

Napakapit ako ako sa hawakan at tumili pa lalo.

"Punyeta ka Nate ano bang trip mo? Kung gusto mong mamatay mauna ka! Mamaaa!" sigaw ko.

"Ano ba madam, ang ingay mo nakakahiya oh." natatawang bulong niya sakin.

Sumulyap ako sa mga katabi ko ngunit hindi naman ito sa akin nakatingin at tumitili lang rin sa biglaang pagbaba at pagtaas ng yawang rides na 'to.

Nang matapos ang nakakamatay na rides na yun ay binigyan ako ni Nate ng tubig. Pinagbabatukan ko ito at pinagsasapak.

"Gusto mo ba akong patayin?!" inis na hiyaw ko.

"Hindi, gusto kita." He chuckled.

Sinapak ko pa ito lalo. Alam kong nagbibiro lang ito. Sinalag niya ang mga sapak na dapat tumama sa mukha niya.

Hinila niya ako patungo sa isang fast food na malapit sa amin.

"Mamaya ka na manapak madam kakain muna tayo gutom na ako." pinaghila niya ako ng upuan.

Umupo ako at ibinitang ang bag na dala ko.

"Anong sayo?" tanong niya.

"Kahit ano, basta nakakain." ginulo muna nito ang buhok ko at tuluyan ng pumunta sa counter para umorder.

Binuksan ko ang bag ko at kinuha ang phone ko. Nakita ko ang ilang text ni Ash at Iris dun. May isa ring text na galing kay Sungit.

From: Akio

Sorry..

Nagreply ako sa text ni Ash at Iris, hinayaan ko ang text nito at pinatay ang cellphone ko.

Naghugas ako ng kamay bago kumain. Dumating si Nate hawak ang pagkain na inorder nito.

"This is for you, madam!" ngumisi pa ito.

Hindi ko ito pinansin at kinain ang spaghetti at burger na nasa harap ko.

Kanin ang kinakain nito.

Parang gusto ko din ng kanin sis.

Napanguso ako at inubos nalang ang fries na naroon at ininom ang drinks.

"Tara?" yaya ni Nate.

Napakunot ang noo, "Saan? Katatapos lang natin kumain uy, hindi pa ako nakapagpahilan."

"Dalii naaaa! Promiseee hindi na nakakatakot sasakyan natin." hinila hila pa niya ang kamay ko.

"Argh, Nate mamaya na." iritang irita na ako sa pinaggagawa nito.

"Dali na kasiii!" pangungulit ni Nate.

"Fine! Saan tayo?" bwesit na tugon ko.

Tinaas baba niya ang kaniyang kilay, "Sa Carousel."

A Writer's DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon