Nagising ako ng maaga dahil sa mga ingay na naririnig ko. Tumayo ako at dumiretso sa banyo para maghilamos, nagsuklay at nagtali ako ng buhok bago lumabas ng kwarto.
Hindi na ako nagabalang gisingin si Ash dahil alam kong pagod ito sa byahe.
Hinanap ko kung saan nagmumula ang ingay na naririnig ko, pumunta ako sa sala at hindi nagkamali na doon nanggagaling ang mga ingay na naririnig ko.
"Anong oras sila nakauwi tita?" narinig kong tanong ni Nate kay mama.
Napatampal ako sa noo ko ng maalalang hindi ko na itext si Nate kagabi ng makauwi kami.
Dahan dahan akong naglakad patungo sa sala.
"Good morning Mama, Happy birthday po!" hinalikan ko si mama sa noo at niyakap ito.
"Salamat Anak." pabalik na yakap nito. Bumitaw rin ako agad rito.
"Hi Nate, morning!" masiglang bati ko rito.
"Ang aga mo naman nagising? Hindi ka ba napagod? " tanong pa ulit ni Mama.
"Okay lang ako ma, nakapagpahinga naman ako ng maayos eh." nginitian ko si mama, para makumbinsi ito sa sagot ko.
"Ay siya sige, maiwan ko na kayo rito at aayusin ko na ang handa natin mamaya." ani Mama.
"Mama si Charm? Kagabi ko pa hindi iyon nakikita." pahabol kong tanong rito.
"Hindi mo inabutan kagabi at maaga iyong natulog puntahan mo nalang sa kwarto niya at paghandain ng gamit niya." sabi nito.
"Sige, ma." sang-ayon ko rito.
Umalis si mama sa sala para ayusin ang mga gamit at handa na dadalhin.
Humarap ako kay Nate na nakaupo.
"Madam, yung hug ko?" nakangusong ani ni Nate.
"Mukha kang pato, hug mo mukha mo!" tinawanan ko ito ngunit sinamaan lang ako ng tingin.
"Sige na nga, namiss mo lang ako eh." mapangasar na sabi ko rito bago umamba ng yakap. Niyakap ako nito pabalik, kaya napangiti nalang ako.
"Ehem, good morning." he said in a husky voice.
Napabitaw ako sa yakap ni Nate dahil sa biglang pagsulpot ni Akio sa likod ko.
"Uh, good morning!" balik na bati ko rito.
"By the way Akio this is Nate, Nate this is Akio." pagpapakilala ko sa kanilang dalawa.
"Hey Bro! Nate." inabot ni Nate ang kamay niya kay Akio.
"Akio." tipid na ani nito.
Tinanggap nito ang kamay ni Nate at nakipagshakehands.
"Hmm Akio, milk or coffee?" tanong ko rito.
"I'm fine with coffee." he gave me a half-smile.
"Nate?" bumaling ako kay Nate.
"Coffee." sambit nito at ngumiti.
"Uh sige maiwan ko muna kayo, magtitimpla muna ako." nginitian ko ang mga ito bago magtungo sa kusina.
Kumuha ako ng dalawang tasa, nilagyan ko iyon ng kape, nilagyan ko na rin iyon ng coffeemate bago lagyan ng kalahating kutsarang asukal. Idinagdag ko ang mainit na tubig at hinalo ito.
Dahan dahan kong inilapag ang kape sa lamesang nasa sala.
"Maiwan ko muna kayo ha? Checheck ko lang si Charm sa kwarto niya." ani ko rito.
Tumango lamang si Nate sa akin, sumulyap ako kay Akio.
He slightly nodded.
Tumungo ako sa ikalawang palapag ng bahay namin para pumunta sa kwarto ni Charm.
BINABASA MO ANG
A Writer's Dream
Ficção AdolescenteA girl with a dream. Babaeng itinuon sa pagsusulat ang kanyang pangarap. Makamit nya kaya ito? Babaeng nangangarap sa gitna ng kahirapan. Babaeng nagsusumikap para sa pangarap. Samahan nyo ako at alamin ang kwento ng isang manunulat na may mataas na...