Chapter 48

29 5 0
                                    

Tumalikod na ako at akmang aalis na ng may sumigaw at tinawag ang pangalan ko.

"Kesh!" narinig kong sigaw ng pamilyar na boses.

Kumalabog ang dibdib ko ng marinig ang boses niya.

Hindi ko siya nilingon at binilisan na lang ang mga hakbang ko. Nagsisimula ng lumabo ang paningin ko dahil sa mga luhang tumatabon rito. Hilong hilo na rin ako dahil sa nainom ko.

Hindi ko namalayan na may nakaharang sa daanan ko, nabangga ako sa isang matigas na bagay.

Agad kong inangat ang tingin ko ng masinghot ko ang amoy ng taong mahal ko.

Bakit niya ba ako sinusundan?!

Pilit na ngiti ang ibinigay ko rito. "Oh, Hi! Ikaw pala!"

"Geez, you're drunk. Why are you crying?" gusot ang noo nito at madilim ang aura na nakapaligid sa kaniya.

Anong problema niya?

"Hindi ako lasing 'no, magkaiba ang lasing at tipsy hmp." akma na akong aalis at tatalikuran siya ngunit hinila ako nito dahilan upang mapahawak ako sa matipuno niyang dibdib.

Pinaghahampas ko ito para bitawan ako ngunit mas humigpit lang ang pagyakap niya sa akin.

"What are you doing? Let me go!"

Napahagulgol ako ng maramdaman ko ang sakit sa dibdib ko nagpumilit akong kumawala sa yakap niya ngunit mas hinigpitan niya pa iyon.

"Shh, don't cry. What happened? Sinong kasama mo? Hinayaan ka niyang malasing ng ganiyan? God, Kesh." He caressed my face and gently held my chin to faced him.

Muntik na akong matapilok, pinipilit kong tumayo kahit nanlalambot na ang mga tuhod ko.

"Let me go please.." halos magmakaawa ako.

"No, unless you said what happened." pamimilit niya.

Pinilig ko ang ulo ko bilang sagot dito.

Tumalikod ako at napagisip-isip na bumalik na lang sa loob ng bar ngunit hinaklit nito ang kamay ko. Pinunasan ko ang mga luhang dumadaloy sa pisngi ko.

"I'm not done with you, don't turn your back at me." he coldly said.

I smiled sarcastically, "But I'm done with you mister."

"Really, huh?" matalim ang tingin nito sa akin.

Pinagtaasan ko siya ng kilay.

"Bakit lumabas ka? Iwanan mo ako rito, hinahanap ka na ata ng babae mo."

Hindi ko alam kung paano ako nagkalakas ng loob para sagutin siya.

Tumaas ang isang kilay nito at marahang nakatitig sakin habang sinusuri ang mga mata ko.

Nilakasan ko ang loob ko na wag magpakita ng kahit anong emosyon.

"Miss Jelly, you're jealous again. I like it." he smirked.

"What? Ang kapal ha? Sarap niyong pagbuhulin." ani ko.

Naramdaman ko ang pagalon ng paningin ko, nawalan ng balanse ang katawan ko at bahagyang gumewang.

Napangiwi ako ng naramdaman ko ang kamay ni Akio, hawak niya ang bewang ko para hindi ako matumba.

"Ano ba?!" asar kong tinabig ang kamay niya na nasa bewang ko pa rin.

"Huwag kang malikot, isa pa hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo." he chuckled.

Hindi ko siya pinansin at bwesit na bwesit na nilagpasan siya. Gusto ko ng puntahan ang anak ko! Palibhasa siya wala siyang alam.

A Writer's DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon