Bumalik ako ng manila kasama si Nate. Pumayag si tita ng malaman niyang sasama ako kay Nate.
Tinanong ako nito kung sigurado ako sa gagawin ko.
Sambit ko ay gusto ko munang magpakalayo.
Mananatili ako sa ibang bansa kahit na pansamantala lang hahanap ng mapaglilibangan o trabaho.
Tsaka ko na lang itutuloy ang paghahanap ko ng papasukang trabaho bilang isang flight attendant dito sa pilipinas.
Halos isang buwan akong nakituloy kay Nate. Ayaw kong umuwi sa condo ni Ash.
Hindi ko akalaing pati siya ay may alam.
Graduation day ngayon at katulad ng inaasahan ko nasungkit ko ang isa sa nga pwesto bilang isang magna cumlaude.
Tinawag ako sa stage para magspeech.
Huminga ako ng malalim, malakas ang kalabog ng dibdib ko.
Pinagmasdan ko ang mga taong nanonood sa akin. Ngumiti ako bilang pagsalubong sa mga tingin nila
"Here we are. Every student may have a different situation. Every student and teacher give their best to become the best, or the better?" Inilibot ko ang paningin ko sa mga estudyanteng katulad ko na suot ang kani-kanilang mga toga.
"I hope after this graduation our friendship will last long. I'm so honored to be your magna cumlaude. I want to thank my batchmates who welcomed me with open arms. To my mom, thank you for supporting me all throughout my school years and now I'm here. To my dad, wh-who passed away last month..." nanginig ang boses ko sa biglang pagdaloy ng emosyon.
"We love you papa. I'm here right now as a Magna Cum Laude because of you also. Pa, Magna Cum Laude na ako.."pinunasan ko ang mga luha ko.
"I'm sorry for being emotional. I just want to say that this batch will face more trials in life but let us never forget to take a huge leap of faith onto our next journey. Never give up and continue chasing your dreams." pagtatapos ko.
Mabilis ding natapos ang seremonya. Sumalubong sa akin si Nate na may hawak na bulaklak.
Inabot niya iyon sa akin. "Ang galing mo, For you."
Kinuha ko iyon.
"Thank you." I mouthed.
"Anak Kesh," narinig kong tawag sa akin ni mama.
Lumingon ako, kasama niya si Charm. Tumago si Charm sa likod ni mama ng makita ako.
"Congratulations anak."
Malaking ngiti ang pinakawalan nito at niyakap ako.
Nanatili akong walang kibo.
"Salamat." tipid na ani ko.
"Alam ko anak, naiintindihan ko. Salamat at hinayaan mo pa rin akong yakapin kita."
Dahan dahan akong tumango.
Nasa likod niya sila Ash.
"Gusto mo bang sumama sa amin? magcecelebrate kami Kesh, kung gusto mo lang naman." Si tita Amanda.
Maingat ang pagtatanong niya.
Masaya ako na nagpunta pa rin sila mama para masaksihan ang pagkamit ko sa dimploma na matagal kong pinaghirapan.
"Kung may gagawin ka pa anak, ayos lang." ani mama.
Pero hindi ko kayang makasama ang mga taong nagsinungaling sa akin.

BINABASA MO ANG
A Writer's Dream
Roman pour AdolescentsA girl with a dream. Babaeng itinuon sa pagsusulat ang kanyang pangarap. Makamit nya kaya ito? Babaeng nangangarap sa gitna ng kahirapan. Babaeng nagsusumikap para sa pangarap. Samahan nyo ako at alamin ang kwento ng isang manunulat na may mataas na...