Chapter 11

79 15 2
                                        

Pagkauwi namin sa condo ni Ash ay ginayak na namin ang mga damit na gagamitin namin, napagpasiyahan naming tatlo na doon na muna kami sa loob ng dalawang linggo.

Two weeks naman ang sembreak kaya ayos lang.

Mabilis ring natapos ang araw na yon inayos lang namin ang gamit namin at ibinalot ang regalong dadalhin namin.

Sa maliit na maleta ko lang ilinagay ang damit na dadalhin ko.

"Sa beach daw tayo magcecelebrate, magdala ka ng swim wear mo." sambit ko kay Ash bago magpakawala ng isang ngiti.

"OmoOo really?!" she giggled.

"Yes girl!"

"Uh which one will i get?" tanong nito sa akin habang nakatingin sa mga swimsuits na nasa kama niya.

Tinutulungan ko siyang maglinis ng kwarto niya kaya ako narito.

Tinginan ko ang swimsuits na nasa kama niya, mayroong red, blue, black at mint green, yung iba ay one piece at iba naman two piece bikini na naroon.

"Dadalhin ko nalang ito, ito tsaka ito." masigla pa nitong inilagay ang swimsuit sa maleta niya.

Napailing ako sa ginawa nito. Nakipagkwentuhan ako rito pagkatapos nitong mag ayos ng damit niya. Hindi ko naiwasang itanong kung anong nangyare dun sa mga lalaking sumunod sa akin.

"Uhm Ash..."

"Yeah?" sumulyap ito sa akin.

"Anong nangyare dun sa mga lalaking sumunod sa'kin nung nakaraan." tanong ko rito.

"Ah, nireport naman daw ni Akio yun siya na din ang nagdala sa presinto para di na sila makabiktima ulit." sagot nito sakin bago ipagpatuloy ang ginagawa niya sa kuko niya.

"Ah, salamat dun ha," balik na sagot ko rito.

"Wag ka sa akin magpasalamat inalagaan lang kita si Akio pa rin ang nagligtas sayo." ngumiti ito sa akin bago ibinalik ang tingin sa mga kuko niya.

"Bakit ka pa nagcucutics? Matatanggal din yan." napangiwi ako ng makita ang ginagawa nito.

"Hayaan mo yan, wala akong mapaglibangan eh, lagyan ko rin kuko mo akin na." inagaw nito sa akin ang kamay ko.

Hinayaan ko nalang ito maglagay ng cutics sa kuko ko. Maingat nitong inilagay ang kulay pulang cutics sa mga kuko ko.

Napalingon kami ni Ash sa biglang pagbukas ng pinto, nakita namin roon si Akio na bagong ligo habang hinahawi nito ang basa niyang buhok.

"Mag ayos na kayo aba, malayo pa byahe natin." masungit na tugon nito sa amin.

"Wait lang tinatapos ko pa kuko ni Kesh." nakadapa parin si Ash at nakatingin sa kuko ko na kinucuticsan niya.

"Ano ba yang ginagawa niyo?" iritadong tanong ni Akio.

"Nagcucutics, bakit papacutics ka?" naka kunot noo na rin si Ash na ayaw maabala sa ginagawa.

Ay barbie!

"Tss, bilisan niyo magaalauna na walong oras pa byahe natin." malamig na tugon nito.

Ang cold nasa freezer ata ako.

Tumalikod ito sa amin at naglakad na palabas ng kwarto ni Ash.

Mabilis din naming tinapos ang ginagawa namin.

"Magaayos na ako ha," excited na sambit nito.

"Sige, punta na din ako sa kwarto ko." sagot ko rito bago lisanin ang kwarto nito.

A Writer's DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon