Chapter 34

30 5 0
                                    

Nanatili si Nate sa hospital buong araw.

"Umuwi ka na muna, pagalitan ako ni tita hindi ka pa nakakapagpahinga." ani ko.

"Hindi nga kita pwedeng iwan dito, mamaya pumunta yung gago na yun dito puro babae kayo dito oh."

Oo sinabi ko sa kaniya, malalaman at malalaman niya rin naman.

Galit na galit si Nate ng malaman niya iyon. Kung hindi ko siya pinigilan marahil ay nakasugod na ito.

"Hayaan mo na nga kasi yon, kaya ko naman sarili ko eh."

"Sus, tigilan moko Kesh. Nagpakuha na ako ng damit, tsaka nagpaorder na din ako ng pagkain. Umupo ka nalang diyan."

"Naku, ang sarap mo tuktokan!" inis na singhal ko.

Ngumisi lang ito bago lumabas ng pinto para kunin ang pinakuha niya.

Umupo ako sa upuang nasa tabi ni papa at hinawakan ang kamay nito bago dumukdok sa gilid ng kama.

Umalis sandali si mama para kumuha ng damit na masusuot nila ni Charm. Sumama si Charm sa kaniya kaya kami lang ang naiwan ni Nate rito.

Aalis rin ako mamaya, kailangan ko pang magpaalam sa amo namin sa coffee shop.

Ilang araw na rin kaming nandito sa hospital. Mahigit isang linggo na rin.

Mabuti nalang at naipasa ko na ang mga requirements na kakailanganin. Nagising si papa kaya agad din akong umayos sa pagkakaupo.

"Pa, gising na po pala kayo.. Kamusta po pakiramdam niyo?"

"Ayos lang ako anak. Ikaw magpahinga ka na muna."

"Mamaya na papa aantayin ko pa sila mama, para may makasama ka rito. Gusto niyo bang kumain?" kinuha ko ang nakalagay na styro na may lamang pagkain na nasa gilid.

"Salamat anak." inabot ko iyon sa kaniya.

"Pa,"

Naisipan niyo rin po bang magloko at bumigay sa isang babae dahil lang sa tukso?

"Ano iyon?"

"Wala po." nanatili akong tahimik at hindi na umimik.

"Anlaki laki mo na. Magpakatatag ka ha? Marami pang pagsubok ang dadaanan mo bago mo tuluyang maabot ang mga bagay na gusto mo. Pasensya ka na anak ha? Kung wala na ako sa mundong ito at maguluhan ka man kausapin mo lang ako. Makikinig ako kahit wala na ako sa tabi mo. Pasensya na kung naglihim ako sayo. Patawarin mo ang papa kapag nalaman mo na ang totoo."

"Pa ano ka ba? Matagal pa yun sasamahan mo pa ako sa stage diba? Aakyat pa tayo ng stage. Tsaka pa ano ka ba? May lihim ka pa ba? Diba wala na naman diba? Napatawad na kita pa. Huwag ka naman magsalita na parang iiwan mo na kami."

Ngumiti lang ito.

Dumating sila mama, pumalit ito sa kinauupuan ko.

"Ma, uuwi ho muna ako ha?" mahinahong saad ko.

Kasabay ko si Nate na umuwi hinatid ako nito sa condo ni Ash.

Napansin ko ang pagmamasid lang ni Ash sa akin habang inaayos ang mga damit na dadalhin ko sa ospital.

Kitang kita ang awa sa mga mata niya. Humarap ako sa kaniya ng maramdaman ko ang paghikbi niya.

"Aalis ka na ba?"

"Ano ka ba, babantayan ko lang si papa sa ospital." natatawang ani ko.

Hindi pa rin tumigil sa pagtulo ang mga luhang pumapatak galing sa mga mata niya.

A Writer's DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon