Pagkatapos ng klase ko ay nagtext na si Akio na nasa parking lot na ito.
Inayos ko mga gamit ko bago bumababa. Sinalubong ako ni Akio sa parking lot at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse.
"Thank you."
Pumasok siya sa kotse at nagmaneho, hindi ko alam kung saan ako nito dadalhin. Nagkwentuhan kami habang nasa byahe, pero putol putol rin.
"Saan nga pala tayo pupunta?" tumingin ako sa kaniya.
"Sa penthouse ko," he smirked.
"Uh, anong gagawin natin dun?" napakurap kurap ako.
"Secret."
(yiee, may iniimagine yung nagbabasa ble.)
Napatulala ako sa kawalan, itinuon ko ang atensyon ko sa panonood ng mga sasakyang nadadaanan namin, at mga batang naglalaro sa lansangan.
Nang dumilim na ang paligid, tsaka lang ako natauhan na nasa parking lot na kami. Ipinark niya ang sasakyan at pinatay ang makina nito.
"We're here." bumaba siya sa driver seat kaya binuksan ko ang pinto sa shotgun seat.
Sumalubong sa akin ang nakasimangot na mukha ni Akio.
I chuckled.
"Why? Anong nangyari sayo?" natatawang wika ko.
"Nothing." nakasimangot ito at tumalikod sa akin. Pumasok ito sa building at sumakay sa elevator.
Hindi ko mapigilang mapangisi sa inaasta nito, mukhang alam ko na kung bakit siya sumimangot at nagsusungit ngayon.
Sumunod lang ako sa kaniya hanggang sa tumigil siya, sa pinakataas ng building ito tumigil at binuksan iyon. Nakita kong ini-swipe niya ang card doon at bumukas iyon.
Pumasok ito kaya sumunod ako.
Dire-diretso itong umupo sa sofa. His face crumpled.
Itinabi ko ang bag na dala ko.
"Anong nangyari sa baby na yaan? Bakit nakabusangot?" I pinched his cheeks.
"Why did you open the door first? Sabi ko ako magbubukas ng pinto para sayo diba?"
Ang kaninang pagpipigil ko sa pagtawa ay nauwi sa halakhak.
"It's not funny tsk."
"Okay, sorry baby!" I smirked.
Pumasok ako sa isang cr para magbihis, kinuha ko ang damit na dinala ko dahil alam kong susunduin ako ni Akio.
Pagbalik ko sa sala wala na ito doon, nakita ko ang hubad niyang kalahating katawan sa kusina.
Nakatalikod ito sa akin kaya hindi niya nahalata na nandoon na ako. Umupo ako sa high chair na siyang naglikha ng ingay para mapansin ako nito. Ngumisi ito, uminit ang pisngi ko ng maalala ang sinabi ko kanina.
"Oh, my baby is back. What do you want to eat?" tiningnan ako nito at hinuhuli ang mga tingin ko, malaki ang mga ngisi sa labi nito.
Ramdam ko ang sobrang pag init ng pisngi ko, iniwas ko ang mga mata ko sa kaniya dahil sa kahihiyan.
"Just cook, whatever you want." I stuttering while saying those words.
Tumalikod ito ng hindi natatanggal ang mga bakas na ngisi sa labi. Pinanood ko siya habang naghihiwa ng sibuyas at bawang.
Ang hubog ng katawan niya na halos nakahain na sa akin ay sumasabay sa pag galaw niya. Napailing ako sa iniisip.
Naku, naku Kesh.

BINABASA MO ANG
A Writer's Dream
Fiksi RemajaA girl with a dream. Babaeng itinuon sa pagsusulat ang kanyang pangarap. Makamit nya kaya ito? Babaeng nangangarap sa gitna ng kahirapan. Babaeng nagsusumikap para sa pangarap. Samahan nyo ako at alamin ang kwento ng isang manunulat na may mataas na...