Chapter 47

28 4 0
                                    

Nagmamasid ako sa anak ko na nasa harap na ng stage at nakikipagkulitan sa mga ninong niya.

Sila na yung nakialam sa pagpapalaro. Napairap ako sa mga kalokohan na pinaggagawa nila sa harapan.

Kanina nga ay may umiyak na bata dahil natalo sa laro, binigyan na lang nila ng laruan. Nagsisihan pa kung sino ang may gawa.

Kahit kailan at sakit sa ulo ng mga abogado na 'to.

Akala mo hindi mga abogado kapag kasama si Cayleigh eh.

Lumapit ako sa kanila dala ang malambot na bimpo na ilalagay ko sa likod ni Cayleigh.

Buhat na ni Nate si Cayleigh, nakangiti lang ang anak ko buong program panay ang pagkanta at pagtawa.

"Baby, put this towel first." inayos ko ang likod nito kahit buhat siya ni Nate. Masiyado niyang namiss tito ninong niya.

"Ami, malaki yung gift ni tito ninong unlike ninong Zach."

Nabulunan naman si Zach na umiinom sa gilid at may kausap na babae.

Napangisi naman si Nate sa sinabi ni Cayleigh, hindi ko na rin mapigilan ang pagtawa ng makita si Zach na masama na ang tingin sa amin at iniwan na ng babae.

"Ninong Zach are you mad? I'm just being honest. I'm sorry." nakasimangot na sambit ni Cayleigh.

Agad namang lumambot ang mukha ni Zach at lumapit sa anak ko.

"No, baby. Ninong Zach is not mad okay?"

"No baby, wag kang maniniwala diyan. Look at him, he's lying." ani Jack

"Yes baby, diba kami lang love mo? Hindi kasama si ninong Zach?" panunulsol ni Luke.

"Bibilhan ka namin ng maraming toys baby, hayaan mo yan si ninong Zach mo tampururot lang yan." ani Ynigo.

Napailing na lang ako, "Huwag kang makikinig sa kanila baby. Puro kalokohan na naman pinagsasabi niyo sa anak ko. Paguuntog-untugin ko na kayo."

"Ikaw naman Mommy Kesh, nami-miss lang namin yung prinsesa namin eh." ani Denver.

"Hep-hep!" pag-angal ko.

"Hooray!" Dave.

Sinapok ko ito. "Isa ka pang siraulo! Ikaw Denver?!"

"What?"

"Kailan pa kita naging anak huh?" pinagtaasan ko ng kilay si Denver.

"Kanina lang." ngumisi pa ito.

Matalim na tingin ang ibinigay ko rito. Inaya ko si Cayleigh na magbigay ng mga loot bags at pagive-aways na laruan para sa mga bata, kasama si Nate.

Nakita ko namang sumunod ang iba niya pang kaibigan.

Namigay kami sa mga bata kahit alam ko namang mayayaman ang mga magulang nito.

Madami akong nakitang tira roon, naalala ko ang mga batang nadaanan ko noon sa may kalye malapit sa pagpasok sa subdivision nila mommy.

Inayos ko ang mga natira sa isang kahon ko ito nilagay at ipinasok sa backseat ng kotse ko.

"Baby, you want to come with mommy? Or magstay ka kala ninong muna?" I asked her.

"Where are you going mommy?"

"Mamimigay lang ako ng food dun sa mga batang nangangailangan ng foods."

Her eyes widened, "Reawly ami? Can I come?"

"Sure baby, magpaalam ka muna sa mga ninong mo na malalakas ang topak." natatawang ani ko.

A Writer's DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon