Chapter 44

27 5 0
                                        

"Anong oras na?" tanong ni Ash.

"4:45 pm na." Iza.

"Bilisan niyo na nga magayos mas mabilis pa magayos sa inyo si Cayleigh." sagot ko.

"Bilisan niyo na 5:30 aalis na tayo mala-late tayo sa flight."

Isang taon na naman ang nakalipas.

September na ngayon, gusto nila mama na doon kami magpasko at magcelebrate ng birthday ni Cayleigh.

Uuwi na kami ng pilipinas. Kasama na sila Iza at Anika.

Si Iza ay ulila ng lubos kaya wala na siyang pakialam sa buhay niya rito sa Australia.

Si Anika naman ay may ama nga, ngunit inabandona na siya.

Habang nagtatype sa cellphone ko para magreply sa text ni mama ng inabot ni Cayleigh ang laylayan ng damit ko at hinawakan ang dulo ng daliri ko.

"Ami, cali want slayd."

I smiled.

Ginulo ko ang buhok nito at kinurot ang mataba at mamula mula niyang pisngi.

Sumenyas ako kala Iza na una na kaming maglalakad sa malapit na playground.

"Let's go?"

Hinawakan ng maliit niyang kamay ang dalawang daliri ko at tuwang tuwa habang naglalakad.

Nauna siyang maglakad dahil sa excited itong maglaro. Pinagmasdan ko lang siya habang naglalakad.

She's wearing a white plaid shirt underneath her black fur coat and a pink pants with her brown boots.

Regalo ni Nate sa kaniya ang boots na iyon, may katulad iyon ng sa akin.

Nakabraid ang buhok niya, ako ang nagtali noon. Gustong gusto ko tuwing inaayusan si Cayleigh mukha kasi itong manika.

Napatigil ako ng humarap ito sa akin at tumakbo papunta sa akin.

She hold my hand, "Ami, come here."

Sumunod ako sa kaniya. Umupo siya sa slide at nagpadulas roon.

Sa beach kami nagcelebrate nung 2nd birthday niya.

Tuwang tuwa siya habang naglalaro ng buhangin. Marami kaming kuhang picture roon dahil na rin sa kahilingan ni mama at mommy.

Gusto daw nilang makita iyon paguwi namin.

"Ami, sit." tinuro nito ang katabing swing.

Umupo ako doon.

Dinuyan niya iyon bago umupo sa kabila at dumuyan rin doon.

Tuwang tuwa siya habang naglalaro roon, hindi ko maiwasang mapangiti sa tuwing nakikita ko si Cayleigh na masaya.

"We're going na!" si Anika.

Hindi ko namalayan ang pagdating ng tatlo dahil kay Cayleigh lang ako nakatingin at tinitingnan ko lang ang bawat galaw niya.

"Tara, malalate na tayo sa flight." Ash

"Cayleigh, come here na we're going!"

Tumakbo siya papunta sa akin at tumatawa. Ibinuka ko ang kamay ko upang umamba rito ng yakap at lumuhod ng bahagya.

Yumakap siya sa akin, tumayo na ako habang buhat siya. Si Ash ang may hawak ng maleta ko habang maleta naman ni Cayleigh ang hawak ko.

"You want to see lala na?" I asked.

"Yes ami!"

Hinalikan ko ang pisngi nito bago sumakay sa sasakyan nila Nate.

Hindi makakauwi sila Nate dahil may pasok pa sila pero uuwi raw sila sa Christmas break.

A Writer's DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon